顯示具有 Laro 標籤的文章。 顯示所有文章
顯示具有 Laro 標籤的文章。 顯示所有文章

2011年9月14日 星期三

Pacquiao: Goodbye boxing sa 2013 巴喬宣佈後年退休


Pagkatapos ng nakatakda niyang laban kay Mexican challenger Juan Miguel Marquez sa Nobyembre 12, hanggang dalawang bakbakan na lamang ang matutunghayan ng sambayanang Filipino kay world boxing champ at Sarangani Cong. Manny Pacquiao dahil isasabit na nito ang kanyang boxing gloves sa 2013.
Sa ambush interview kay Pacquiao kahapon sa Kamara, kinumpirma nito na magreretiro na siya sa 2013 lalo na kapag nanalo siyang gobernador ng Sarangani.
“Nagpaplano na,” pahayag ni Pacquiao dahil nakuha na umano nito ang lahat ng nais nito sa boksing.
“Pero hindi pa naman ngayon, ang retirement ay sa thirteen (2013) pa ‘yun,” pahayag ni Pacquiao na dalawang beses lumalaban sa lonang parisukat kada taon.
Inamin ni Pacquiao na mas gusto niya sa executive dahil, “Action man tayo. Gusto ko ako ang mag-implement ng batas. Hindi tulad dito na mag-file ka ng batas at matagal.”
Kapag naging gobernador na umano ito, kaila­ngan na niyang magretiro dahil nangangailangan ng matinding pagtutok sa trabaho ng isang executive tulad ng gobernador.
“Isipin mo ‘pag executive ka na hindi na puwede ‘yung mag-training ka sa ibang lugar, mag-absent ka.
Ibang klase, saka alam mo ‘pag executive ka, ano ka, kailangan seven days, twenty four hours a day ka,” ani Pacquiao kaya kapag naging gobernador na ito ay kailangan niyang magpaalam na sa boksing.
Kaugnay nito, ngayon pa lamang ay nagkukumahog na ang mga partidong pulitikal sa pagkabig kay Pacquiao bilang kapartido dahil itinuturing itong ‘hot commodity’ sa pulitika.
Inamin ni National Unity Party (NUP) exe­cutive director Reginald Velasco na tina-target nilang makuha sa kanilang partido si Pacquiao.
Sa katunayan, kumikilos na umano ang NUP para i-recruit si Sarangani Gov. Rene Dominguez na nasa ikatlo at huling termino na para walang balakid sa pagtakbo ni Pacquiao bilang gobernador ng lalawigan.
Sa panig ni Liberal Party (LP) secretary ge­neral at Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya, inamin nito na nagpahayag na umano ng interes si Pacquiao na sumanib sa administration party.

2011年9月5日 星期一

Ika-3 laban vs Marquez nakakasawa, pero pampaalis ng duda - Pacman 三戰馬奎茲 巴喬備戰心如止水


Inaasahan ni pound-for-pound king Manny "Pacman" Pacquiao na ang kanyang laban kay WBO/WBA lightweight champion Juan Manuel “Dinamita” Marquez ang tatapos sa lahat ng mga pagdududa sa nauna nilang dalawang laban.
Ginawa ni Pacquiao ang pahayag sa ginanap na formal press conference sa paglulunsad ng Part III ng kanilang laban sa Manila Hotel.
Aminado si Manny na nakakasawa na sana ang ika-tatlong beses nilang laban pero umaasa siya na matatanggal din sa kaisipan ng  ilang sektor ang pagdududa.
Ang kanilang pagtutuos ang siyang tutuldok sa isyung ito.
Para sa boksingerong kongresista, hindi naman daw siya galit kung saan nakalipas sa maraming taon ay nangungulit si Marquez na sila ay maglaban muli at ipinangangalandakan pa ng Mexican boxing legend na ito ang nanalo.
Sa pagkakataong ito inihayag ng WBO welterweight champion na hindi umano siya papayag lalo na at marami na ring pagbabago sa kanilang dalawa, kasama na ang istilo, bilis at diskarte sa laban.
Pahayag pa ni Marquez, malaki na rin ang nakita niyang pagbabago sa Pinoy ring superstar, na ngayon ay dalawang kamay na ang epektibo nitong ginagamit hindi katulad noong  una nilang mga laban na halos ang kaliweteng kamay ang maipagmamalaki ni Pacquiao liban sa bilis.
Kaugnay naman sa pagiging underdog niya lalo sa pustahan, ayon kay Marquez wala siyang pakialam at ang mahalaga ay ang malaking challenge na gustong gusto niya.
"I don't care, I don't care the bets," ani Marquez.
Samantala, daan daang mga local at foreign journalists ang dumalo sa kickoff ng world press tour.
Ipinagmalaki ni Top Rank Promoter Bob Arum na ilang tickets na lamang ang natitira sa laban na magaganap sa Las Vegas, Nevada.
Tatlong oras matapos ang media event, pinaghalo namang showbiz ang paghaharap nina Pacquiao at Marquez sa Quirino Grandstand, Maynila.
May eksena pa na may oath of sportsmanship ang dalawa na pinanumpa ni Arum.
Libu-libong mga fans ang tumungo sa Luneta event na dinaluhan din ng kinatawan ng Mexican embassy at ilang mga artista para magbigay ng aliw.

2011年7月29日 星期五

Azkals, Balik Training Sa Agosto Para Sa Taiwan Tournament Sa Setyembre 足球國家隊為九月台灣行展開特訓


Sa kabila ng kabiguang makausad sa next round ng World Cup qualifiers, hindi nangangahulugang tapos na ang laro ng Philippine football team Azkals. 
Ayon kay national team head coach Michael Weiss, pansamantala ay magkakaroon muna sila ng pahinga dahil sa sakripisyong inilaan ng mga Azkals. 
Pero pagkatapos nito ay balik na agad sila sa training sa huling linggo ng buwan ng Agosto para paghandaan ang tournament sa Taiwan sa buwan ng Setyembre. 
Matapos nito ay ang isang buwang intensive training para sa SEA Games kasama ang under-23 team at  ilang bagong players. 
Ngunit ang matinding pinaghahandaan ng Azkals ay ang 2015 AFC challenge Cup kung saan ang mananalo ay didiretso sa Asian Cup sa Australia.

2011年7月26日 星期二

Manny Pacquiao, pinagkaguluhan ng NBA All stars 巴喬魅力 NBA球星也難擋

Malaki ang maitutulong ng NBA stars para sa kampanya ng Gilas Pilipinas national basketball team sa kanilang hangaring makapaglaro sa London Olympics.
Natalo ang Gilas Pilipinas sa iskor na 98-89.
Hindi tumatahimik ang buong Araneta dahil sa magandang laban na ipinakita ng national team at NBA team kung saan ay nasiyahan ang halos 15,000 basketball fans.
Sa kabila ng pagkatalo, magagamit naman nila ang karanasan sa susunod nilang international competition na sasalihan.
Nanguna sa panalo ng NBA stars ay si 5-time NBA champion Kobe Bryant sa kaniyang 17 points at 5 rebounds.
Matapos ang laban ay nagkagulo na ang mga fans ng inihagis nina Chris Paul, Javale McGee at Bryant ang kani-kanilang sapatos.
Maging ang mga local basketball players ay hindi rin nagpahuli, kung saan personal na hiningi ni Dondon Hontiveros ang jersey ni Bryant.
Ang isang pares ng sapatos ni Kobe ay nakuha naman ng driver ni Hontiveros.
Ngunit ang pinagkaguluhan ng lahat ng NBA superstars ay si pound for pound king at 8-division world champion Manny Pacquiao.
Nakuha pang magpa-autograph ni NBA MVP Derrick Rose kay Pacman.
Nakipag-agawan ding nagpakuha ng larawan si Chris Paul sa Pinoy boxing champion.
Nakipag kuwentuhan din si Pacquiao kina Kevin Durant, Derrick Fisher at Bryant.
Ilan sa mga celebrities at kilalang personalidad na nakisaya sa dalawang araw na NBA exhibition game ay sina Ruffa Gutierrez, Michelle Madrigal, John Estrada at misis na si Prescilla Mereilles, Randy Santiago, Vhong Navarro, Sen. Bong Revilla at pamilya nito, habang nasa courtside naman ang mag-amang Eddie at Richard Gutierrez, dating Pangulong Joseph Estrada, former Sen. Richard Gordon at US Ambassador Harry K. Thomas Jr.

P17-M, Tinanggap Nina Bryant, Durant At D-Rose Sa Paglalaro Sa PHL 耗費鉅資 NBA球星訪菲


  Kung gaano kamahal ang tickets para makita ang mga NBA superstars na naglaro laban sa PBA stars at Gilas Pilipinas basketball team nitong nakaraang weekend, ay siya namang mahal ng bayad sa mga ito para makapaglaro sa bansa.
  Ayon sa ulat, umabot umano sa $400,000 o nasa mahigit 17 million pesos ang tinanggap bawat isa nina 5-time NBA champion Kobe Bryant, scoring champion Kevin Durant at NBA MVP Derrick Rose.
  Maliban kina Durant, Bryant at Rose, kasama rin sa mga naglaro sina Chris Paul, Javale McGee, Derrick Fisher, Tyreke Evans, Derrick Williams at James Harden.
  May usap-usapan ngayon na ang susunod na darating sa bansa ay ang buong koponan ng Real Madrid football club, na pinangungunahan ng kanilang star player na si Cristiano Ronaldo.

2011年7月20日 星期三

Philippines Men's National Basketball Team's Schedule in Taiwan 33rd William Jones's Cup


33rd William Jones's Cup International Basketball Tournament
第33屆威廉瓊斯盃國際籃球邀請賽

Venue of Competition: Hsinchuang Gymnasium New Taipei City
(No.75, Sec.1, Zhonghua Rd., Xinzhuang Dist., New Taipei City)
比賽地點:新莊體育館 (新北市新莊區中華路一段75號)

Philippines' Schedule
菲律賓隊賽程

2011.8.6(Sat) 1700 Philippines VS Jordan
2011.8.7(Sun) 1500 United Arab Emirates VS Philippines
2011.8.9Tue) 1700 Philippines VS South Korea
2011.8.10(Wed) 1500 Philippines VS Republic of South Africa
2011.8.11(Thu) 1700 Japan VS Philippines
2011.8.12(Fri) 1500 Philippines VS Malaysia
2011.8.13(Sat) 1900 Philippines VS Taiwan
2011.8.14(Sun) 1700 Iran VS Philippines


More power to PHI men's national basketball team!!

2011年7月18日 星期一

Bob Arum nakakita na ng papalit kay Pacman


SUSUNOD sa tagumpay nina Manny Pacquiao at Nonito Donaire si Filipino Lightweight Sensation  Mercito “No Mercy” Gesta.

Ayon kay Top Rank President Bob Arum, posibleng susunod na magiging pambansang kamao si Gesta dahil sa galing nito.

Inaalagaan ng top rank promotions ang pinoy champ na tubong Mandaue City, Cebu na may ring record na 22 win, 0 loss, 0 draw kasama ang 12 kos.

Gayunman, posibleng itatapat ni Arum si Gesta kay WBA Lightweight Champion Brandon Rios ng Amerika.

2011年5月23日 星期一

Marquez Tinanggap Ang Alok Laban Kay Pacman 巴喬11月迎戰馬奎茲



Nagparamdam na ng ultimatum si Top Rank Promotions President Bob Arum sa Golden Boy Promotions na tumbasan ang kanilang alok kay WBO/WBA lightweight champion Juan Manuel Marquez para sa laban nila ni Manny Pacquiao.
Sinabi ni Arum, na binibigyan na lamang niya ng ilang araw si Golden Boy Chief Executive Richard Schaefer na tapatan  ang offer nila kay Juan Manuel Marquez.
Ayon din kay Arum, nakalagay sa counter offer nila sa Mexican warrior na makakatanggap ito ng premyong  $5 million at kung sakali naman na talunin niya si Manny Pacquiao at magkaroon ng rematch ay maaaring $10 million ang magiging premyo nito.
Ayon sa impormasyon, nagulat si Schaefer sa napabalita umanong tinanggap na ni Marquez ang alok ni Bob Arum.
Sinabi din ni Schaefer, wala man lang daw itinanong si Marquez tungkol sa offer ni Bob Arum at wala rin daw tinanong kung kaya nilang tumbasan ang iniaalok na $5 million na premyo sa kaniya.
Una rito, may plano sana ang Golden Boy na ilaban si Marquez kay WBC welterweight champion Victor Ortiz.
Pero hindi na matutuloy ito sa kadahilanan na gigil na gigil si Marquez na makaharap muli si Pacman.
Ang labanang Pacquiao at Marquez, ay pangatlong paghaharap na at ito’y sinasabing gaganapin sa darating na Nobyembre 12, Batay sa kontratang napagkasunduan, gagawin ang laban sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas. Si Manny Pacquiao ay merong record na (53-3-2, 38 KO's) at si Juan Manuel Marquez ay (52-5-1, 38 KO's).