2011年7月26日 星期二

Manny Pacquiao, pinagkaguluhan ng NBA All stars 巴喬魅力 NBA球星也難擋

Malaki ang maitutulong ng NBA stars para sa kampanya ng Gilas Pilipinas national basketball team sa kanilang hangaring makapaglaro sa London Olympics.
Natalo ang Gilas Pilipinas sa iskor na 98-89.
Hindi tumatahimik ang buong Araneta dahil sa magandang laban na ipinakita ng national team at NBA team kung saan ay nasiyahan ang halos 15,000 basketball fans.
Sa kabila ng pagkatalo, magagamit naman nila ang karanasan sa susunod nilang international competition na sasalihan.
Nanguna sa panalo ng NBA stars ay si 5-time NBA champion Kobe Bryant sa kaniyang 17 points at 5 rebounds.
Matapos ang laban ay nagkagulo na ang mga fans ng inihagis nina Chris Paul, Javale McGee at Bryant ang kani-kanilang sapatos.
Maging ang mga local basketball players ay hindi rin nagpahuli, kung saan personal na hiningi ni Dondon Hontiveros ang jersey ni Bryant.
Ang isang pares ng sapatos ni Kobe ay nakuha naman ng driver ni Hontiveros.
Ngunit ang pinagkaguluhan ng lahat ng NBA superstars ay si pound for pound king at 8-division world champion Manny Pacquiao.
Nakuha pang magpa-autograph ni NBA MVP Derrick Rose kay Pacman.
Nakipag-agawan ding nagpakuha ng larawan si Chris Paul sa Pinoy boxing champion.
Nakipag kuwentuhan din si Pacquiao kina Kevin Durant, Derrick Fisher at Bryant.
Ilan sa mga celebrities at kilalang personalidad na nakisaya sa dalawang araw na NBA exhibition game ay sina Ruffa Gutierrez, Michelle Madrigal, John Estrada at misis na si Prescilla Mereilles, Randy Santiago, Vhong Navarro, Sen. Bong Revilla at pamilya nito, habang nasa courtside naman ang mag-amang Eddie at Richard Gutierrez, dating Pangulong Joseph Estrada, former Sen. Richard Gordon at US Ambassador Harry K. Thomas Jr.

0 意見:

張貼留言