Simula nang ipatupad ang Saudization, ilang Pilipino ang nagtatrabaho sa Saudi ang nawalan na ng trabaho.
Una ng nasampulan ang ilang mga Engineers na magbabakasyon sana sa Pilipinas ngunit tinatakan na ng EXIT ang kanilang mga passport sa kabila ng may nakuha silang re-entry visa. Wala namang naibigay na dahilan ang immigration officer kung bakit hindi na sila maaari pang bumalik sa Saudi.
Bukod pa rito may ilang kaso din ang naitala mula sa iba pang OFWs na sinibak umano sa kanilang mga pinapasukang kumpanya dahil sa umiiral na Saudization.
Sa ulat na tinanggap ng Migrante Middle East, ilang Pinay nurses rin ang nabigyan na ng termination notice na nagtatrabaho sa government at private hospitals sa Jeddah.
Dahil dito, inilunsad na ang Sagip Migrante na naglalayong magbigay ng tulong sa mga nagigipit na OFWs na na-terminate o natanggal sa trabaho at iba pang problema sa kanilang trabaho at employer.
0 意見:
張貼留言