2011年7月29日 星期五

10 Pinoy Nagoyo Sa Saudi 淘金夢碎 10移工在沙國遭欺騙

Sampung overseas Filipino workers na pinangakuang magtrabaho bilang mga mangingisda ang nagulat nang dumating sa Saudi Arabia ay walang trabahong naghihintay sa kanila.
Ito ang impormasyong ipinabatid ng Filipino migrants rights group kaugnay sa kinasapitan ng sampung OFWs sa Saudi na kinilalang sina Richard Mendoza, Jose Alforque, Felipe Batinsela, Ronnie Maro, Arden Unsipedo, Redentor Hubahig, Oliver Perez, Isabelo Salbado, Jupiter Lawan at Henerio Colis  na idineploy ng Placewell International Services Corporation, isang recruitment agency na nakabase sa Maynila at may mga sangay sa Visayas at Mindanao.
Nabatid na pinangakuan ang mga OFWs ng buwanang sahod na 1,500 Saudi Riyal o katumbas ng P17,000; gayung nasa P20,000 ang kanilang ibinayad sa agency bukod pa sa P60,000 umanong kakaltasin sa kanilang sahod  base sa napagkasunduan.
Pero ayon sa mga OFWs, wala silang tinanggap na sahod  pagdating sa Jeddah dahil hinarang sila ng Saudi authorities na mangisda  sapagkat tanging Saudi national lamang ang pinapayagang ma­ngisda sa nasabing bansa.

0 意見:

張貼留言