Lumagda kamakailan ang gobyerno ng Pilipinas at Taiwan ng memorandum of understanding kaugnay sa gagawing direct hiring ng overseas Filipino workers (OFWs) ng mga Taiwanese employers.
Ang hakbang na ito ay upang maiwasan ang pagdaan pa ng mga OFWs sa tradisyunal na ahensya o brokerage para makapaghanap ng trabaho sa Taiwan.
Paliwanag ni Lin San-quei, director general ng Bureau of Employment and Vocational Training sa ilalim ng Council of Labor Affairs, ang direct hiring ay nakakatulong para mabawasan ang gastos sa panig ng mga aplikante at employer dahil hindi na nila kailangan pang dumaan sa sobrang taas maningil na ahensya.
Sa katatapos na bilateral meeting sa pagitan ng dalawang bansa, umaasa ang Pilipinas na mas marami pang Taiwanese employers ang sasailalim sa direct hiring.
0 意見:
張貼留言