2011年7月29日 星期五

Mike A. 'Utak' 大選舞弊幕後軍師:艾若育之夫

Si dating First Gentleman Mike Arroyo umano ang nag-utos na palitan ng mga peke ang original election returns (ERs) sa Batasang Pambansa upang matiyak ang pagkapanalo ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004 presidential elections.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, nakipagkita sa kanya si Senior Supt. Rafael Santiago, dating hepe ng Special Action Force, at lima pang tauhan nito kung saan inilahad ang kanilang pagpasok sa Batasan complex upang palitan ng mga peke ang mga original na ERs.
Sa pahayag ni Santiago, nagbigay umano si FG ng P10,000 para sa nasabing operasyon.
Sinabi ni de Lima, ipinakita sa kanya ang apat na dokumento na may seal ng Commission on Elections, na mga ERs mula sa Tawi-Tawi, Sulu, Misamis Occidental, Lanao del Norte.
Ginawa umano ang pagpasok sa Batasan Pambansa sa apat na insidente mula Enero hanggang Pebrero 2005.
Giit ni de Lima na wa­lang alam si Santiago at mga tauhan nito na may gagawin silang election fraud. Sila ay nagtanong  lamang sa escort, secure at transport‘ yung mga Marlboro boxes na nanggaling doon sa isang bahay sa may Cainta, Rizal, which turned out to be the residence of Atty. Roque Bello, na pinangalanan din, at ‘yung anak na si El Bello. Tila, ito ‘yung mga nag-manufacture ng election returns na pampalit doon sa original,” ani Lima.
Sinabi pa ni de Lima na si Bello, na isang veteran election lawyer at provincial election supervisor, ay kilala umanong “election operator.”
Idinawit din ni Santiago sina dating PNP Director General na ngayo’y Zambales Gov. Hermogenes Ebdane Jr. at Special Action Force (SAF) director, Chief Supt. Marcelino Franco, na umano’y nagsagawa ng election fraud.
Sinabi pa ng isa sa mga tao ni Santiago na isa sa kanilang pagpasok sa Batasan Pambansa ay nakuhanan pa ng video na  ngayon ay nasa kustodiya ng DOJ.
Dinala ni dating Lt. Joel Pinawin, dating liason ng Special Action Forces (SAF) ng PNP, ang walong video clips sa tanggapan ni Lacson kung saan makikita ang diumano’y pagpapalit ng ERs upang masiguradong lalabas talagang panalo si Gng. Arroyo.
Ayon kay Lacson, agad ding umalis ang nagdala ng video at maikli lamang ang kanilang naging pag-uusap.
Makukumpirma umano sa nasabing video ang rebelasyon ng grupo ni Santiago tungkol sa sinasabing “switching”.
Binanggit pa umano ni Santiago kay de Lima na inatasan silang palitan ang mga ERs noong 2005, alinsunod na rin sa election protest na inihain ni Susan Roces, biyuda ni Fernando Poe Jr. na mahigpit na kalaban ni Arroyo.
Samantala, handa naman ang PNP na bigyan ng proteksiyon si Santiago na nakakatanggap na umano ngayon ng pagbabanta sa kanyang buhay.
Nakatakdang ipata­wag ni de Lima sa joint DoJ at Comelec inquiry si FG hinggil sa isyu.

0 意見:

張貼留言