2011年7月31日 星期日

Military Construction Ng China Sa Spratlys, Minaliit Ng AFP 菲軍方:中國於南海的武力不強

  No big deal para sa sandatahang lakas ng PIlipinas ang lumalabas na balitang may military build-up ang China sa konstruksyon ng dalawang aircraft carriers sa pinag-aagawang Spratly Islands sa West Philippine Sea.
  Ayon kay AFP spokesman Commodore Miguel Jose Rodriguez, kumpiyansa silang hindi ito makakaapekto sa usapin ng Spratlys.
  Sa nakalap na impormasyon ng AFP, nasa final stage na ang China sa konstruksyon ng dalawang aircraft carriers na nakatakdang i-deploy sa Hainan Region.
  Sa kasalukuyan ay naglalayag na patungong Pilipinas ang BRP Gregorio del Pilar na ilalagay ng Navy sa West Philippine Sea upang mapalakas ang patrol operations ng Pilipinas sa pinag-aagawang isla.

0 意見:

張貼留言