2011年7月26日 星期二

Dolphy, mas maayos ang kalusugan 資深諧星多菲健康無恙


Mas masiglang Dolphy ang masayang nagdiwang ng kanyang ika-83 kaarawan kanina sa Marina, Parañaque.
Itinaguyod ang simpleng selebrasyon ng partner niyang si Zsa-Zsa Padilla, mga anak, hanggang apo sa tuhod.
Kumpara noong bagong taon kung kailan halos round-the-clock ang oxygen support ni Pidol, naaalis na niya ito tuwing kada dalawang oras. Ang good news, ilang linggo na lang, ganap nang aalisin ang kanyang oxygen tank.
Pahayag ni Dolphy, “At least nag-i-improve ako.”
“Halata naman e, tingnan niyo dito o, lumulusog na e,” dagdag naman ni Zsa-Zsa na nakaturo sa tiyan ni Pidol.
“Bumalik na naman 'yung kutis natin, medyo gumanda-ganda. Dati talagang bangkay na e,” biro pa ni Dolphy.
“Maraming-maraming salamat sa lahat ng nagdarasal para kay Dolphy,” pinarating naman ni Zsa-Zsa sa publiko.
Natawa si Dolphy na may sarili siyang SONA ngayon.
Hiling niyang lumabas na rin ang katotohanan sa yumao niyang kaibigang si FPJ.
Pakiusap nga niya, “Dapat naging presidente talaga ‘yon e. Kaya Garci, lumabas ka na. Please naman. Nasa iyo ang susi e.”
Kasabay nito, umapela ang hari ng komedya na huwag munang batikusin si PNoy na halos kakaupo pa lang.
“Pagbigyan natin. Nag-aapura tayo e. Iisang taon pa lang naman. Siyam na taon tayong medyo tagilid,” aniya.
Pero sa mga ispesyal na sandaling ito, ganap ang kaligayahan ni Dolphy dahil kapiling niya ang mga mahal sa buhay, kabilang ang isa sa mga paborito niyang apo na si Vito Quizon, anak ni Vandolph.
Pinakita ng bata na ipagpapatuloy niya ang kislap ng pamilya Quizon.

0 意見:

張貼留言