2011年7月18日 星期一

Free Pinoy Concert Kababayan Jam 2011 桃園熱力演唱會 歌星移工同樂

Dinagsa ng ating mga kababayan ang Free Pinoy Concert OK Kababayan Jam sa Taoyuan stadium. Dahil nasilayan nila sa wakas ang kanilang hinahangaang komedyante na si Pokwang, lalong nagkagulo ang ating mga kababayan ng kumanta ito at bumaba mula sa entablado para makipagkamayan.
Kumanta rin ang pinapantasya ng mga kalalakihan na si Cristine Reyes at Gerald Anderson na talaga naman kinikilig ang mga kababaihan dahil sa kaguwapuhan nito.
Matapos ang ginawang singing contest at ilang game para sa ating mga OFW, nagsimula ng humataw ang bandang Rocksteddy at tinugtog ang mga hits songs nito.

0 意見:

張貼留言