2011年9月5日 星期一

Sina PNoy at Iza Calsado na nga ba? 總統與女星卡莎朵拍拖?


MANILA – Natsitsismis ngayon si Pangulong Benigno Aquino sa aktres na si Iza Calzado at nagkita pa umano ang dalawa sa birthday bash ni singer Ogie Alcasid.
Kung gaano kabilis kumalat ang balita ukol sa dalawa ay ganoon rin kabilis ang pagtanggi ng manager ni Iza at sinabing walang relasyon ang dalawa at nagkakilala lamang sa birthday ni Ogie.
Si Ogie ay kilalang supporter ng Pangulo.
Naunang inihalintulad ni Aquino ang kanyang love life sa isang soft drink – mula sa pagiging regular…naging light at ngayon ay zero.
Matapos na manalo sa halalan ay tinapos naman nina Aquino at Valenzuela City Councilor Shalani Soledad ang kanilang matagal ng relasyon sa hindi pa mabatid na kadahilan.
Ngunit ayon sa mga sources ay isa si Kris Aquino, ang utol ng Pangulo, sa mga dahilan nito. Madalas umanong pakialaman ng aktres ang love life ni Aquino.
Na-ugnay rin si Aquino sa kanyang stylist na si Liz Uy, ngunit hindi naman ito type ng celebrity at wala rin naging relasyon ang dalawa bagama’t botong-boto si Kris sa magandang si Liz na kanyang rin stylist.
Maging kay dating child star at ngayon ay TV reporter na si Patricia Roque ay na-link rin si Aquino, subalit wala rin itong pinatunguhan, gayun rin kay stock broker Len Lopez, Barbie Palagos at sa huling naka-date ni Aquino na si Bunny Calica. (Kabayan Weekly PH)

0 意見:

張貼留言