2011年9月5日 星期一

German Moreno, ‘di naniniwalang balik-casino na naman si Nora Aunor! 諾拉奧諾去賭場? 好友莫雷諾駁斥



TO SEE IS to believe!” Ito ang winika ng Master Showman himself na si Kuya Germs Moreno sa kumakalat na tsismis na nakita raw na nagka-casino ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor kasama si John Rendez.
Ayon kay Kuya Germs, kung sino man daw ang nagtsi-tsismis na balik-casino si Ate Guy ay magpakita sa kanya ng pruweba katulad ng picture at video at doon lang daw siya maniniwala na nagka-casino nga ang kanyang ‘Ni’ (tawagan nila ni Ate Guy).
Pakiusap nito na ‘wag naman daw intrigahin si Ate Guy dahil ilang buwan lamang daw ang ilalagi nito sa bansa ay after ng kanyang mga commitments dito ay babalik na ito sa Amerika. Kaya naman ang hamon ni Kuya Germs ay maglabas ng litrato man lamang ang mga taong umiintrigang nagka-casino ang Superstar bilang ebidensiya at doon lamang siya maniniwala.

0 意見:

張貼留言