2011年9月16日 星期五

Mas mataas na bayarin ng mahihirap sa PGH sinuspinde 貧民福音 看病免花大錢


By Darius Galang
Sinuspinde ng Philippine General Hospital (PGH) ang paniningil ng bayad sa mga maralitang pasyente na nais magpaeksamen at magpa-x-ray sa naturang pampublikong ospital.
Ito ang inanunsiyo ni Alfredo Pascual, presidente ng Unibersidad ng Pilipinas, matapos kausapin diumano ang direktor ng PGH na si Jose Gonzales. Si Gonzales ang nagpatupad ng naturang polisiyang paniningil sa mga pasyenteng “class D.”
Tinaguriang Class D ang mga pasyente na may personal na kitang P7, 500 pababa kada buwan. Dapat silang may 80% hanggang 100% diskuwento sa mga eksaminasyong medikal, at hindi na kailangang magbayad para sa diagnostic x-rays.
Sinabi ni Pascual na naunang nagdesisyon si Gonzales ng maningil sa mga maralitang pasyente dahil sa tatlong salik: Papataas na gastos ng PGH sa serbisyong pangkalusugan; paparaming mga pasyente; at di-sapat na subsidiya na natatanggap ng pagamutan galing sa gobyerno.
Paliwanag ni Pascual, na may mga mambabatas ang naglaan ng pondo mula sa kanilang mga tanggapan para sa ospital. Samantala, malaki pa rin ang hindi nailalabas ng gobyerno sa dapat na badyet ng PGH.
“Noong 2010, P16-Milyon lamang sa P321-M Congressional Initiatives funds mula sa pondo ng PGH ang nagamit” kung kaya naitulak ang PGH na kumita, ulat ni Pascual. -Pinoy Weekly.

0 意見:

張貼留言