2011年9月5日 星期一

Ika-3 laban vs Marquez nakakasawa, pero pampaalis ng duda - Pacman 三戰馬奎茲 巴喬備戰心如止水


Inaasahan ni pound-for-pound king Manny "Pacman" Pacquiao na ang kanyang laban kay WBO/WBA lightweight champion Juan Manuel “Dinamita” Marquez ang tatapos sa lahat ng mga pagdududa sa nauna nilang dalawang laban.
Ginawa ni Pacquiao ang pahayag sa ginanap na formal press conference sa paglulunsad ng Part III ng kanilang laban sa Manila Hotel.
Aminado si Manny na nakakasawa na sana ang ika-tatlong beses nilang laban pero umaasa siya na matatanggal din sa kaisipan ng  ilang sektor ang pagdududa.
Ang kanilang pagtutuos ang siyang tutuldok sa isyung ito.
Para sa boksingerong kongresista, hindi naman daw siya galit kung saan nakalipas sa maraming taon ay nangungulit si Marquez na sila ay maglaban muli at ipinangangalandakan pa ng Mexican boxing legend na ito ang nanalo.
Sa pagkakataong ito inihayag ng WBO welterweight champion na hindi umano siya papayag lalo na at marami na ring pagbabago sa kanilang dalawa, kasama na ang istilo, bilis at diskarte sa laban.
Pahayag pa ni Marquez, malaki na rin ang nakita niyang pagbabago sa Pinoy ring superstar, na ngayon ay dalawang kamay na ang epektibo nitong ginagamit hindi katulad noong  una nilang mga laban na halos ang kaliweteng kamay ang maipagmamalaki ni Pacquiao liban sa bilis.
Kaugnay naman sa pagiging underdog niya lalo sa pustahan, ayon kay Marquez wala siyang pakialam at ang mahalaga ay ang malaking challenge na gustong gusto niya.
"I don't care, I don't care the bets," ani Marquez.
Samantala, daan daang mga local at foreign journalists ang dumalo sa kickoff ng world press tour.
Ipinagmalaki ni Top Rank Promoter Bob Arum na ilang tickets na lamang ang natitira sa laban na magaganap sa Las Vegas, Nevada.
Tatlong oras matapos ang media event, pinaghalo namang showbiz ang paghaharap nina Pacquiao at Marquez sa Quirino Grandstand, Maynila.
May eksena pa na may oath of sportsmanship ang dalawa na pinanumpa ni Arum.
Libu-libong mga fans ang tumungo sa Luneta event na dinaluhan din ng kinatawan ng Mexican embassy at ilang mga artista para magbigay ng aliw.

0 意見:

張貼留言