ILOILO CITY - Isa na namang Filipino ang naaresto matapos mahulihan ng 26 kilograms ng heroin.
Sa report ni Bombo Radyo correspondent Merly Bunda, ang naaresto ay patungo sana sa Hong Kong nang mahuli ng mga otoridad sa Guangzhou, China.
Ang iligal na droga ay nagmula sa Malaysia kung saan dumaan ang Pinoy matapos makaalis ng Pilipinas.
Ayon kay Bunda, $6,000 ang ipinangakong bayad sa Pinoy kung saan nagtagumpay ito sa pagpuslit ng heroin sa Hong Kong.
Nakatakda namang humarap sa korte ang suspek sa darating na Nobyembre 17.
Ang Pinoy tourist ay panglima na sa mga Filipino na nahulihan ng iligal na droga sa Hong Kong ngayong taon.
Una nang naaresto ang isang mag-asawa at isang Filipina na nahulihan ng tatalong kilo ng iligal na droga noong Mayo, habang noong Hulyo isang Pinoy pa ang nahuli sa Hong Kong airport dahil sa pagpuslit ng 5.8 kilograms ng illegal drugs.
0 意見:
張貼留言