2011年9月16日 星期五

Top government agencies magtataas ng fees 政府高層單位欲調漲部份費用


BY JANNETTE T. AFRICANO
POSIBLENG ikagulat ng taumbayan ang hakbang na gagawin ng mga pangunahing ahensiya ng pamahalaan dahil sa balak na pagtataas ng singil sa kinukuhang permit, clearance at iba pang mga public document sa naturang mga tanggapan.
Base sa impormasyong nakalap ni Sen. Ralph Recto, aabot umano sa 50% hanggang 200% ang hinihinging pagtataas ng Bureau of Customs (BOC) sa port fees and charges.
“With the missing container vans and collection shortfall as background, allowing BOC to raise fees is tantamount to rewarding corruption and inefficiency,”ani Recto.
Napag-alaman ding ang National Bureau of Investigation (NBI) na kinukuhanan ng sertipikasyon ng mga job applicant sa loob at labas ng bansa ay aabot sa 50% ang itataas ng fees.
Ayon pa sa senador, ang iba pang ahensiyang tulad ng Professional Regulation Commission (PRC), National Telecommunications Commission (NTC) at Securities and Exchange Commission (SEC) ay nagpaplano ring magtaas ng 20%-30% sa kanilang fees at charges.
Ibinunyag naman ni Sen. Manny Villar na ang ibang ahensiya ng gobyerno na magtataas ng fees ay ang Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Department of Foreign Affairs (DFA), National Statistics Office (NSO) at Land Registration Authority (LRA).
Para naman sa mga kababayan nating contractual workers na kumukuha ng permit at clearance tuwing ika-5 buwan para sa panibagong pag-aaplay sa trabaho, karagdagang gastos sa kanila kung magtataas ng singil ang government agencies na kinukuhanan nila ng public documents. -PINAS The Filipinos Global

0 意見:

張貼留言