2011年9月20日 星期二

VP Binay, Pacquiao, pinayuhang trabaho muna ang asikasuhin 副總統、拳王,競選之餘,工作請優先!


MANILA – Matapos ihayag ang kanilang mga plano sa darating na mga halalan, pinayuhan ng isang Obispo ng Simbahang Katoliko sina Vice President Jejomar Binay at Sarangani Rep Manny Pacquiao, na tutukan muna ang kani-kanilang tungkulin.
Sa panayam ng isang himpilan ng radyo nitong Biyernes, sinabi ni Malolos Bishop Jose Oliveros, na sa halip na mga plano sa susunod na eleksiyon ang isipin, mas marapat na pagtulong sa kanilang mga nasasakupan ang dapat asikasuhin ng mga opisyal.
Giit ng obispo, maraming problema ang bansa na kinakaharap ngayon na dapat tutukan sa halip na maagang pumumulitika.
“Nakalulungkot dahil malayo pa ang eleksyon ay nagpaparamdam na sila kaysa tutukan ang kanilang trabaho at problema sa bansa. Let us face the present problem rather than prepare that political happening which will take place many years from now pa," ani Oliveros sa panayam ng Radyo Veritas.
Sinabi pa ni Oliveros na kapakanan ng iba ang dapat asikasuhin ng mga opisyal at hindi ibang bagay lalo na kung personal nilang interes ang makikinabang.
Una rito, inihayag ni Binay ang kanyang intensiyon na tumakbong pangulo sa 2016 elections.
Samantala, dahil kulang pa sa age requirement, binawi ni Pacquiao ang kanyang plano na tumakbong bise presidente sa 2016 polls.
Gayunman, tuloy naman siya sa kanyang plano na tumakbong gobernador sa Sarangani sa halalan sa 2013.
Ayon kay Oliveros, dapat pagtuunan muna ng pansin ni Binay ang problema ng mga overseas Filipino workers at kakulangan sa pabahay ng mga mahihirap.
Si Binay ang itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III na adviser sa usapin ng OFW, at maging sa programang pabahay.
Samantala, paglikha naman ng mga batas na makatutulong sa mga mahihirap ang dapat umanong asikasuhin ni Pacquiano bilang kongresista.
“Ito ang dapat na pagtuunan nila ngayong panahon. Saka na ang pamumulitika, masyadong maaga pa ‘yan," anang obispo. -- GMA News

0 意見:

張貼留言