2011年9月14日 星期三

EXCL: Dating Sharia judge inilantad ang bayaran sa halalang 2004 2004總統大選弊案 前伊斯蘭法官作證


Nakokonsensya na raw si dating Shariah Court Judge Nagamura Moner kaya inamin na niyang siya ang operator na nagpamudmod ng pera sa mga election officer noong 2004 elections para tiyaking mananalo si dating Pangulong Gloria Arroyo laban sa katunggaling si Fernando Poe Jr.
Ayon kay Moner, si dating PPA General Manager Alfonso Cusi ang kanyang handler at nagpapadala ng pera sa utos diumano ni dating First Gentleman Mike Arroyo.
“Cusi called me up. At all cost, you pay the election officers,” sabi ni Moner.
Simple raw ang utos ni Cusi: palamangin si Arroyo ng higit isang milyong boto kay FPJ.
Puntirya ng operasyon ang Lanao del Sur at Norte, Sulu, Tawi-Tawi, Sultan Kudarat at Cotabato City kung saan 1.8 million ang boto.
“If the votes in these areas where I have been to during the canvassing are at the least discarded, the national results will be affected. It will be enough to say that GMA did not win,” pahayag ni Moner.
Kinausap at binayaran daw niya ang mga election officer depende sa botong kanilang madadaya.
“Ipanalo niyo si GMA. Ipanalo niyo ng 20,000 times 5, eh ‘di 100,000,” sambit pa ni Moner.
Si Ginoong Arroyo diumano ang nasa likod nito.
“Do everything for the President. After the elections we will take care of you and your family,” kuwento pa ni Moner.
Sabi ni Moner, nasa P7 milyon ang pinadala ni Cusi na personal naman niyang inihatid sa mga probinsya gamit ang chopper ni Ginoong Arroyo.
“I have a picture of that chopper that is investigated by the Senate. Tinignan ko, it is the same chopper,” sabi ni Moner.
Noong kainitan ng “Hello Garci,” mismong si Mrs. Arroyo raw ang kumausap sa kanya upang sabihin sa publiko na walang dayaan.
Binigyan din diumano siya ng dagdag na P3 milyon para sa mga nag-aalburuto niyang kasama.
Samantala, tumanggi munang magkomento si Cusi. Pag-aaralan daw muna niya ang mga alegasyon ni Moner.
Itinanggi naman ng kampo ni dating First Gentleman Mike Arroyo ang alegasyon ni Moner na diumano'y walang batayan.
Hihilingin ni dating Judge Moner na mapasailalim sa Witness Protection Program ng pamahalaan para maging testigo sa dayaan sa halalan.
Inaasahan na raw niya na tatangkain ng mga Arroyo na siraan ang kanyang testimonya ngunit lalabas daw ang iba pang testigo upang patunayang ang sinasabi niya ay totoo. Anthony Taberna, Patrol ng Pilipino

0 意見:

張貼留言