2011年9月20日 星期二

14 Pinoy seamen hawak ng pirata sa Africa 14名菲籍船員在西非被海盜綁架


INAMIN ng Department of Foreign Affairs na hawak ng mga pirata ngayon ang 14 Pinoy seamen makaraang hinijack ang kanilang barko sa Lome, Togo sa West Africa.
Ang naturang mga Pinoy ay kabilang sa 23 tripulante ng Cyprus-flagged Mattheos I na inatake ng pirata.
Ayon sa DFA, ipinaalam na sa kanila ng local manning agency ng mga biktimang Pinoy seamen na nasa maayos na kalagayan naman ang mga ito.
Naipaalam na rin umano sa pamilya ng mga biktima ang nangyari sa kanila.
Kaagad na inatasan ni Foreign Affairs Sec. Alberto del Rosario ang Philippine Embassy sa Abuja, Nigeria na makipag-ugnayan sa mga otoridad para sa ligtas na pagpapalaya sa mga Pinoy seafarers.
Maging ang embahada ng Pilipinas sa Oslo, Norway kung saan naroon ang kompaniyang namamahala sa barko ay inatasan na makipag-ugnayan sa principal company ng barko para matiyak na nagsasagawa ng negosasyon sa pagpapalaya sa mga tripulante ng Mattheos I.
Ayon sa International Maritime Bureau na nagmomonitor sa piracy sa buong mundo, pinasok ng mga pirata ang tanker na Mattheos I.
Tumakas ang mga pirata patungo sa hindi malamang lokasyon dala ang mga tripulante ng Cyprus-flagged vessel.
Ayon sa Department of Merchant Shipping ng Cyprus, ang mga crew ng Mattheos I ay mga Pinoy at ang mga opisyal ay Spanish, Peruvian at Ukrainian.
Inihayag ni department director Serghios Serghiou na nagpadala ng security alert ang barko pero hindi na nila ito nakontak.
Samantala, ayon sa Spanish Foreign Ministry, wala pa sa lima ang mga Spaniards na tripulante ng Mattheos I. Remate ANG DIARYO NG MASA

0 意見:

張貼留言