2011年8月2日 星期二

Word War Sa Pagitan Nina Sen. Tito Sotto At Sen. Kiko Pangilinan, Umiinit 大選弊案 兩參議員交相指控


  Nabuhay na naman ang word war nina Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III at asawa ng pamangkin niyang si Sharon Cuneta na si senador Francis “Kiko” Pangilinan kaugnay ng sinasabing dayaan noong 2004 presidential elections
  Ito’y sa gitna nang naglalabasang ebidensiya sa sinasabing dayaan na nangyari noong 2004 presidential elections.
Tahasang sinisi ni Sotto si Pangilinan at iba pa nitong mga kasama sa canvassing board noong 2004 presidential elections dahil sa kanilang pagtangging pabuksan kahit isa lamang sa mga ballot box na naglalaman ng hinihinalang pekeng election returns.
  Sinabi ni Sotto na natutuwa siya dahil naglalabasan na ngayon ang mga ebidensiya pero nalulungkot din siya dahil hindi kaagad lumutang ang mga may nalalaman sa dayaan.
  Si Sotto ang tumayong campaign manager ng namayapang si Fernando Poe Jr.

0 意見:

張貼留言