2011年8月2日 星期二

16 Pinay Patungong Sabah, Pinigilan Sa Tawi-Tawi 菲16女赴大馬打工 於塔威塔威島被攔阻

Mahigit sa isang dosenang kababaihan na patungo sana sa Sabah, Malaysia upang magtrabaho ang naharang ng mga awtoridad sa lalawigan ng Tawi-Tawi matapos silang ma-recruit mula sa iba’t-ibang lugar sa Mindanao.
Pinangakuan umano ang 16 na kababaihan ng magandang trabaho sa Sabah, ngunit naagapan naman ng pulisya ang mga ito sa bayan ng Bongao bago pa man makaalis. 
Sa isang maliit na hotel natagpuan ng pulisya ang mga ito, ngunit hindi naman nadakip ang recruiter ng mga biktima. Hindi naman sinabi ng pulisya kung magkano ang naibayad ng bawat isa kapalit ng pangakong trabaho sa Sabah, na halos 4 na oras lamang ang layo kung speedboat ang gamit sa pagpasok doon mula sa Bongao. 
Wala rin mga papeles ang mga hinihinalang biktima ng human trafficking at nabatid na sa mga social networking sites umano nila nakilala ang kanilang recruiter. Galing pa umano sa Zamboanga City, General Santos, Cagayan de Oro, Tarlac, Maguindanao, Cotabato at Pagadian ang mga babae na may edad 18 hanggang 40.
Dumating umano ang mga kababaihan sakay ng barko mula Zamboanga City nitong Hulyo 30 at hinihintay ang kanilang contact na siyang magdadala sa grupo sa Sabah, ngunit natimbrihan naman agad ito ng pulisya at Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung kaya’t agad na kumilos upang mailigtas ang grupo.
Pino-proseso na ng DSWD ang kanilang pagbalik sa mga lugar na pinanggalingan. 

0 意見:

張貼留言