2011年8月8日 星期一

$50,000 pinag-iipunan ni Nora Aunor para sa operasyon sa U.S 諾拉奧諾在美重建聲帶 手術費五萬美金


Hangad umano ni Superstar Nora Aunor na makaipon ng $50,000 para sa kinakailangang operasyon sa kanyang vocal chords.
Kung maaalala, tatlong buwan lamang mananatili sa Pilipinas si Nora dahil desidido raw itong muling maisaayos ang kanyang boses sa pamamagitan ng isang operasyon sa labas ng bansa.
Sinasabing naapektuhan ang vocal chords ng singer/actress kasunod ng kanyang huling operasyon sa abroad.
Kasabay nito, itinanggi ni "Ate Guy" na P7 million ang kanyang talent fee sa Kapatid network subalit ayaw ding sabihin kung magkano.
Samantala, bakas pa rin sa mukha ng Superstar ang kasiyahan matapos makita ang mga guwapong apo nito.
Aniya, "mama guy" ang tawag sa kanya ng mga ito dahil ayaw niyang magpatawag ng "lola."
Nabatid na nagkita-kita na kamakalawa si Aunor at ang mga anak niyang sina Ian, Lotlot, Matet, Kenneth, at Kiko sa isang five-star hotel sa Ortigas.




0 意見:

張貼留言