2011年8月8日 星期一

Reklamo ng mga OFW vs Pinoy welfare officer sa Jordan, dapat daw maging leksiyon 菲駐約旦官員辱罵移工 輿論要求懲處


MANILA – Umaasa si Senador Manny Villar na mabilis na aaksyunan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang reklamo ng limang overseas Filipino workers (OFWs) laban sa umano’y abusadong Filipino welfare officer na nakabase sa Amman, Jordan.

Ang pahayag ay ginawa ni Villar matapos niyang makausap ang limang OFWs at marinig ang reklamo ng mga ito laban kay Welfare Officer Carmelita Mag-uyon.

Isinumbong nina Raquel Aragon, Lolita Wadia, Noraida Guiamilil, Jhona Mortel at Genevieve Quibedo kay Villar ang paninigaw umano sa kanila ni Mag-uyon sa tuwing ay nagtatanong tungkol sa kanilang kaso at sitwasyon.

Sa kabila ng kanilang reklamo na nakatatanggap sila ng pagmamalupit sa kanilang amo, pinapayuhan pa umano sila ni Mag-uyon na bumalik sa kanilang trabaho.

Sinabi ng senador na dapat magsilbing leksiyon sa pamahalaan ang karanasan ng limang OFWs na umano’y hindi nakakuha ng inaasahang suporta kay Mag-uyon at nakatikim pa ng masakit na salita.

Payo ni Villar, dapat piliing mabuti ang mga opisyal na itinatalagang humarap sa mga magigipit na OFWs sa iba’t ibang bansa.

Giit niya, ang mga itinatalagang welfare officer ay kailangang mahaba ang pasensiya, sanay makipag-ugnayan at tunay na may malasakit sa kapwa Filipino.

Katuwang ang Blas F. Ople Policy Center na pinamumunuan ni dating Labor Undersecretary Susan Ople, inatasan ni Villar ang kanyang mga abogado na tulungan ang mga OFWs kaugnay sa isinampang reklamo laban kay Mag-uyon.

“Ang limang babaeng ito ay nagpunta sa Bahay Kalinga ng ating embahada sa Jordan dahil sila ay mga biktima ng pang-aabuso at pagmamaltrato ng kanilang mga amo. Sa halip na tulungan, nakatikim pa sila ng dagdag na verbal abuse mula sa isang welfare officer na Pinoy pa man din," pagkadismaya ni Villar.

Sinabi naman ni Ople na may lulutang pang mga OFW mula sa Jordan at magsasampa rin ng reklamo laban kay Mag-uyon.

Una rito, tiniyak ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Carmelita Dimzon, na magsasagawa sila ng kaukulang imbestigasyon tungkol sa reklamo laban kay Mag-uyon.

0 意見:

張貼留言