MANILA – Ito ang good news para sa mga OFWs! Nag-aalok ngayon ng magandang negosyo ang Department of Energy (DOE) sa lahat ng mga overseas Filipino workers na nais magkaroon ng sariling gasoline station o kaya ay LPG sa bansa.
Sa ilalim ng Gasoline Station Lending and Financial Assistance Program ng DOE ay maaari ng makapag-loan ang sinumang OFW ng hanggang P10 milyon o 80% ng kabuuang halaga ng negosyo.
At ang maganda pa sa naturang programa ay 20% lamang ng kabuuang negosyo o kapital, kasama na lupa ng pagtatayuan ng gasolinahan ay maaring gawin equity contribution ng OFW.
May fixed annual interest rate lamang na 6% ang nasabing pautang at maaaring bayaran ng hanggang 10 taon at ang unang bayad ng OFW ay magsisimula 6 buwan matapos na ma-release ang loan o pautang.
Sinabi naman ni Congressman Arnel Ty, ng party-list Petroleum Gas Marketer Association (LPG/MA), na open rin ang naturang programa sa mga kooperatiba at non-government organizations.
“Itinatag sa pamamagitan ng Downstream Oil Industry Deregulation Law, ang programa ay nilalayong forcefully drive free at makatarungang tingian sa competition in the fuel markets,”ani Ty, na miyembro rin ng Energy Committee sa kongreso.
Ang mga pautang ay maaaring gamitin upang bumuo ng isang site bilang gasoline outlet o auto LPG station, pagbili at install ng mga kinakailangang pasilidad at kagamitan, at pagbayad hanggang sa 2 milyong halaga ng mga natapos na mga ptoduktong petrolyo bilang paunang imbentaryo,” dagdag pa ni ty.
At bago masimulan ang negosyo ay bibigyan rin ang mga interesadong magkaroon ng gasoline station sa DOE management at skills training program para sa maayos at mahusay na pagpapatakbo ng naturang negosyo.
Ang mga may-ari o kinatawan ng mga korporasyon, mga samahan, kooperatiba, asosasyon, NGO, joint ventures, consortia, single proprietorship at katulad ng mga partido ay apat ding kumpletuhin ang parehas na pamamahala at mga kasanayan sa programa ng pagsasanay upang maging kuwalipikado para sa mga pautang,” wika pa ng kongresista.
0 意見:
張貼留言