2011年8月2日 星期二

Pinoy Team Nagwagi Sa China Math Contest 中國華盃數學競賽 菲學生表現優異


Anim na mga estudyanteng Pinoy ang nagwagi sa Hua Luogeng Golden Cup Youth Math Invitational Competition sa Huizhou City sa Guangdong province sa China.
Panibagong karangalan na naman ang dala ng Mathematics Trainers Guild-Philippines at tulad rin ng mga nakaraang international competition ay palaging wagi ang naturang kuponan nito.
Sinabi ni Dr. Simon Chua, ang presidente ng Mathematics Trainers Guild-Philippines, na nakuha ni Adrian Reginald Sy, Grade 6 student, ang kaisa-isang silver medal. 
Bronze medals naman ang napanalunan nina Kelsey Lim Tiong Soon, Grade 6; John Angel Aranas, first year; James Daniel Cordon, first year; John Thomas Chuatak, first year, at si Matthew Ryan Tan, first year.
Nabatid na 600 mga estudyante – mula China, Hong Kong, Macau, Taiwan, Mongolia, Singapore, Malaysia at ng Pilipinas - ang lumahok sa naturang Hua Luogeng Golden Cup contest.
Sa 12 estudyanteng Pinoy na lumahok sa competition ay 6 sa mga ito ang nagwagi, ayon pa kay Chua. 

0 意見:

張貼留言