2011年8月2日 星期二

Pacquiao Pinakamayamang Kongresista 巴喬成為最富有國會議員


  Si boxing champion at Sarangani Rep. Manny Pacquiao ay may net worth na mahigit P1 bilyon at siya ngayon ang pinakamayamang congressman.
Si Pacquiao na nabalitang isa sa world’s highest paid athletes ay may net worth na P1.134 billion, batay sa 2010 Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) na isinumite ng mga miyembro ng Kamara de Representantes.
 Si Pacquiao ay walang pagkaka- utang at may real properties na nagkakahalaga ng P397,933,000 at personal at iba pang ari-arian na nagkakahalaga ng P736,300,000.
 Si Anakpawis party-list Rep. Rafael Mariano naman ang pinakamahirap na kongresista na may net worth na P75,711.57. Siya ay walang pagkaka-utang at wala ring real properties.
 Ang pumangalawa naman na pinakamayang kongresista ay si Negros Occidental third District Rep. Albee Benitez na may net worth na P624,827,943.
Si dating First Lady at ngayon ay Ilocos Norte Second District Rep. Imelda Romualdez Marcos ay pumangatlo na may net worth na P623,600,000. Si Marcos ay walang pagkakautang at may real properties na P620,000,000 at personal at iba pang ari-arian na P3,600,000.
 Si Negros Occidental First District Rep. Julio Ledesma IV, asawa ng artistang si Asunta de Rossi, ang pang-apat na pinakamayamang congressman na may net worth na P555,069,000.
 Ang pamangkin ni Mrs. Marcos na si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ay panglima na may net worth na P475,611,941.59. Apat na miyembro ng pamilya Ar royo ay kasama rin sa pinakamayan sa mga kongresista. Si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ay pang 17 na nagdeklara ng kanyang net worth na P140.2 milyon.
 Ang kanyang bayaw na si Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo, ay pang 18 na P137.9 milyon.
 Ang mga anak naman ni Mrs. Ar- royo na si Ang Galing Pinoy party- list Rep. Juan Miguel “Mikey” Arroyo ay pang 27 na may net worth na P95.5 milyon at Camarines Sur Rep. Diosdado Arroyo ay pang 35 na may net worth na P87.2 milyon.
 Si dating Technical Skills and Development Authority (TESDA) director-general at ngayon ay Iloilo Rep. Augusto Syjuco ay pang anim na may net worth na P294, 602,481.
 Si House Speaker at Quezon City Rep. Feliciano Belmonte ay pang 7 na may net worth na P283,291,016.78.
 Si Las Piñas Rep. Mark Villar, anak ni Senator Manny Villar at dating Rep. Cynthia Villar, ay pang 12 na may net worth na P156,194,279.
  Si Sen. Villar ang dating pinakamayamang congressman bago siya naging senador.
Ang model at television host na si Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez, asawa ng aktor na si Richard Gomez, ay pang 15 na may ari-ariang nagkakahalaga ng P148,356,925.23.
  Si aktres at Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla, asawa ni aktor at Sen. Bong Revilla, ay may net worth na P125,753,230.95.

0 意見:

張貼留言