By Pinoy Weekly staff
Ipinasa ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang Anti-”No Permit, No Exam” Bill, o panukalang batas na naglalayong ipagbawal sa mga pribadong eskuwelahan ang pagpigil sa mga estudyante na kumuha ng exam kapag may hindi pa nababayarang utang.
“Magandang balita ito para sa mga magulang at estudyante. Ngayon pa lamang, mapipilitan na ang mga eskuwelahan na itigil ang polisiyang ‘no permit, no exam,’” ayon kay Kabataan Rep. Raymond Palatino, isa sa mga pangunahing nagtulak ng panukalang batas.
Kailangan na lamang maipasa ng Senado ang sarili nitong bersiyon ng panukalang batas na ngayo’y nasa ikalawang pagbasa, at pagkatapos ay mapirmahan ng pangulo.
“Ang malaking tagumpay na ito sa kampanyang anti-‘no permit, no exam’ ay nakamit dahil sa pagkakaisa ng mga magulang at mag-aaral, at sa mabilis na akisyon ng Kongreso,” ayon pa kay Palatino.
Talamak ang pagpigil sa mga estudyanteng kumuha ng exam kapag may utang pa sa eskuwelahan, na nagdudulot ng kanilang pagbagsak sa klase at labis na kahihiyan. Sa kabila ito ng Section 99 Article 20 ng Manual of Private Schools na nagbabawal sa nasabing polisiya.
Sa ilalim ng panukalang batas, magmumulta ng hanggang P50,000 ang mga eskuwelahang mahuhuling nagpapatupad ng “no permit, no exam.”
0 意見:
張貼留言