2011年8月12日 星期五

Pinoy Binugbog, Ninakawan Sa Riot Sa London 倫敦暴動 1菲律賓人受傷


Nasugatan ang isang Pinoy na pinagnakawan din ng mga rioters sa Birmingham, United Kingdom, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon.
  Ayon kay DFA Spokesman Raul Hernandez, nagtamo ng sugat sa mukha ang hindi na pinangalanang Pinoy.
“Nabugbog siya ng grupo ng rioters...ito naman ay ok na siya, he is recovering, he is an outpatient case. Hindi naman malala. Ang nangyari ay ninakawan siya ng kanyang cellphone at relo at dinala rin sa ospital para sa check-up. He was able to come out after some treatment,” pahayag pa ng tagapagsalita ng DFA.

Naipagbigay-alam na rin sa mga kamag-anak sa Pilipinas ng nasaktang Pinoy ang insidente.
  “Ang abiso natin para sa ating mga mamamayan sa Filipino community sa London ay dapat na ma­ging maingat sila at iwasang magpunta sa mga lugar na nangyayari ang riot at umiwas din sa mga business at shopping center, ‘yung tinatawag na high streets, kasi doon nangyayari ang mga looting at nakawan. Ang ating embahada ay mayroon na ring contingency plan at nakahanda ang ating embassy na tumulong sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan,” giit pa ng DFA official.
Sa mga kamag-anakan naman sa Pilipinas na nais mabatid ang kondisyon ng kanilang mga mahal sa buhay na nasa London ay maaaring tumawag sa PHL embassy hotline sa 00447802790695.

0 意見:

張貼留言