Maaari umano na magkaroon ng terror attack sa Pilipinas dahil kilala ang bansang ito na matalik na kaalyado ng America kasunod ng pagkakapatay sa lider ng Al Qaeda terrorist na si Osama bin Laden sa sikretong pag-atake na ginawa ng US intelligence forces sa Islamabad, Pakistan.
Sinabi ni ret. P/Director Rodolfo “Boogie “ Mendoza, dating hepe ng PNP–Intelligence Group terrorism expert, malamang na may resbak ang mga tauhan ni Bin Laden kasama ang Jemaah Islamiyah at Abu Sayyaf Group.
Si Bin Laden ang tinuturing na mastermind noong atakihin ang World Trade Center sa New York City at Pentagon District noong September 11, 2001 na ikinamatay ng mahigit 2,000 katao kasama ang libu-libo pang sugatan.
Ayon dito hindi pa natatapos sa pagkamatay ni Bin Laden ang terorismo sa Pilipinas dahil maraming international terrorist organizations ang sumusuporta at nagbibigay ng pinansyal sa mga kamiyembro nitong Abu Sayyaf.
Sa kasaysayan, si Mendoza ay isang intelligence expert ng PNP na tumuklas sa Oplan Bojinka o ang tinatawag na assassination plot laban sa yumaong si Pope John Paul II na bumisita sa Pilipinas noong taong 1995.
At dahil dito, pinakalat na ang buong kapulisan at todo bantay sa mga pangunahing instalasyon ng gobyerno, ganun din sa matataong lugar at sa iba pang mga itinuturing na soft targets ng mga terorista.
Nagsagawa na rin ng karagdagang mga pulis at nagdala ng mga mahahabang armas kasama ang mga K-9 dogs sa mga labas at loob ng US Embassy sa Roxas boulevard sa Maynila.
0 意見:
張貼留言