顯示具有 Balita Taiwan 標籤的文章。 顯示所有文章
顯示具有 Balita Taiwan 標籤的文章。 顯示所有文章

2011年9月22日 星期四

Manila mayor visits Taipei to boosts ties 促進交流 馬尼拉市長訪台北


Taipei, Sept. 22 (CNA) Manila Mayor Alfredo Lim led a delegation of city officials to Taipei Thursday on an exchange tour of Manila's sister city. 

Manila has been an official sister city of Taipei since 1966. 

On invitation from Taipei City Mayor Hau Lung-bin, Lim arrived in Taipei in the morning and attended an evening reception hosted by Hau. 

As part of the exchange program, Lim will visit city government buildings, where he will be briefed on urban planning and day-to-day operations in city hall. 

Lim is also scheduled to meet with officials from government agencies, including the Ministry of Foreign Affairs. 

Lim has been on friendly terms with Taipei. He led a delegation of city staffers to Taipei in 2007 and participated in the inauguration ceremony of President Ma Ying-jeou in 2008. 

He was also seen on various occasions celebrating the Republic of China centennial with Taiwanese expatriates in Manila. 

2011年7月29日 星期五

Direct Hiring Ng OFWs Sa Taiwan, Pinalakas 菲勞直聘 免經仲介

Lumagda kamakailan ang gobyerno ng Pilipinas at Taiwan ng memorandum of understanding kaugnay sa gagawing direct hiring ng overseas Filipino workers (OFWs) ng mga Taiwanese employers.
Ang hakbang na ito ay upang maiwasan ang pagdaan pa ng mga OFWs sa tradisyunal na ahensya o brokerage para makapaghanap ng trabaho sa Taiwan.
Paliwanag ni Lin San-quei, director general ng Bureau of Employment and Vocational Training sa ilalim ng Council of Labor Affairs, ang direct hiring ay nakakatulong para mabawasan ang gastos sa panig ng mga aplikante at employer dahil hindi na nila kailangan pang dumaan sa sobrang taas maningil na ahensya.
Sa katatapos na bilateral meeting sa pagitan ng dalawang bansa, umaasa ang Pilipinas na mas marami pang Taiwanese employers ang sasailalim sa direct hiring.

2011年7月18日 星期一

Free Pinoy Concert Kababayan Jam 2011 桃園熱力演唱會 歌星移工同樂

Dinagsa ng ating mga kababayan ang Free Pinoy Concert OK Kababayan Jam sa Taoyuan stadium. Dahil nasilayan nila sa wakas ang kanilang hinahangaang komedyante na si Pokwang, lalong nagkagulo ang ating mga kababayan ng kumanta ito at bumaba mula sa entablado para makipagkamayan.
Kumanta rin ang pinapantasya ng mga kalalakihan na si Cristine Reyes at Gerald Anderson na talaga naman kinikilig ang mga kababaihan dahil sa kaguwapuhan nito.
Matapos ang ginawang singing contest at ilang game para sa ating mga OFW, nagsimula ng humataw ang bandang Rocksteddy at tinugtog ang mga hits songs nito.

2011年7月14日 星期四

Malikhaing Mang-aawit Na Si Julianne Nagperformed Sa Danshui 創作歌手茱莉安妮於淡水演出



Noong gabi ng July 14, malapit sa Danshui MRT station, ang pilipina singer at songwriter na si Julianne Tarroja ay nagperformed sa ”THE FACE TOMORROW CONCERT,” kasama ang Japanese Okinawa group “N’Jammi,” at Indonesian singer na sina Imel, Lala, and 4 Taiwan Hakka Bands.
Si Julianne Tarroja ay kilala as “The Philippines’ Soul Child,” ay nagwagi ng “Best New Female Artist” and “Best Female Artist” noong 2008 Awit Awards. Nag-iwan siya ng ilang mensahe para sa ating mga kababayan na mambabasa ng LAKBAY. 


2011年6月18日 星期六

Taipei-Manila Workers’ Fun-Day MECO舉辦移工同樂日






Nagsamasama at nagkasiyahan ang mga Filipino migrant workers sa idinaos na Taipei-Manila Workers Fun-Day sa NTU Sports Center sa Taipei City nitong June 19.
Kasama sa ginanap na kasiyahan ang ilang Taiwanese opisyal na mula sa Labor office.
Nagkaroon ng mga palaro at mga papremyo na hinandog ng mga sponsors para sa mga Filipino migrant workers, meron din isang grupo ng Taiwanese students ang nagpakitang gilas sa kanilang modern dance na sinasabayan naman ng hiyawan ng mga manunuod.
Naimbitahan din sa ginanap na Workers Fun-Day ang grupo ng KENYO band at ang singer na si TRICIA GARCIA.
Ang Taipei-Manila Workers Fun-Day ay sa pangangasiwa ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).

2011年6月6日 星期一

PDBF, Nagwagi Ang Mga Kababaihan Sa Taipei International Dragon Boat Championship 台北國際龍舟賽 菲娘子軍奪冠



Sa Hunyo 6, sa Taipei Dragon Boat Festival, ang Pilipinas Dragon Boat Federation ay nakuha ang 03:33.98 record at napanalunan ang kampeonato ng mga kababaihan. Ang ilang mga migranteng Pinoy na tumayo sa tabing-ilog, at winawagayway ang munting watawat ng Pilipinas ' at sama-samang nagdiwang ng pagkapanalo ang buong team. Pagkatapos ng kompetisyon, si Hao Long-Bing, ang alkalde ng Taipei City ang nagbigay ng award sa kampeonato sa PDBF.



2011年5月20日 星期五

Pag reinforce ng patakaran para maprotektahan ang mga bagong migrante 政策補強 保障新移民工作權



Sa panulat ni: LAKBAY
Isinalin sa Tagalog ni: Ken Chao
文/四方報整理
翻譯/趙文肯

Ito ang ika-tatlong taon ni President Ma bilang presidente ng Taiwan, pinapangako ng Council of Labor Affairs (foreign department) na papaluwagin nila ang kundisyon sa trabaho ng mga foreigners, at pagbubutihin ang pagbabantay para hindi madiscriminate ang mga foreigners. Para sa maramihang banyagang asawa dito sa Taiwan, hindi nila masyado pinapansin ang kanilang marriage, basta makakuha lamang ng permit sa pagtira dito sa Taiwan, at para makahanap ng magandang trabaho, para mabuhay ang sarili at kanilang anak.

Ang katayuan ng inyong pagsasama ay walang koneksyon sa inyong karapatan sa trabaho

Ipinaliwanag muli ng Council of Labor Affairs ang “Employment Service Act” Artikulo 48 at Artikulo 51, ang nabiyudo, na divorce na foreigner, ay walang legal na working permit kung wala silang anak. sa ibang salita, kung naghiwalay ang isang mag asawa, at ang migranteng asawa ay hindi nagka-anak, ay walang pag-asang magkaroon ng legal na pamumuhay dito sa Taiwan. At kung sila ay nagkaroon ng anak, pwede silang makakuha ng working permit sa pamamagitan ng komplikadong pamamaraan, para ito sa maramihang migranteng asawa na walang lakas na loob na dumaan sa pampublikong sector.
Ipinahayag ng Council of Labor Affairs, ang mga patakaran ay pinipilit na baguhin, sa hinaharap ang mga bagong migranteng kumukuha ng residents visa ay maaari nang legal na magtrabaho dito sa Taiwan, hindi na rin nila kailangan kumuha ng working permit.
At saka, maramihan sa mga migrante ay pinapahirapan ng mga employers nung sila ay naghahanap ng trabaho, tulad ng “paghihingi ng ID card” sa mga migranteng asawa at ang hindi pagtanggap sa trabaho dahil may ibang tono sa pagsasalita. Ipinahayag ng Council of Labor Affairs, na hindi na kailangang magtiis ang mga migranteng asawa, simula ngayon kapag ang mga migrante ay nakatanggap ng diskriminasyon habang nagtatrabaho o habang naghahanap ng trabaho, maaaring humingi ng tulong sa mga lokal na munisipalidad o pag-gawa ng county ng gobyerno. At matapos ng pagsisiyasat ang employer ay pwedeng mamultahan ng NT$300,000 hanggang 1,500,000 sa paglabag ng Employment Service Act 5.

日前為馬英九總統就職3週年,勞委會承諾盡快放寬外配工作權的條件,以及加強糾察雇主的不當歧視。對於廣大在台灣的外籍配偶而言,今後無論婚姻狀況為何結束,只要取得居留權,便可以期待在台灣順利工作、養活自己與孩子。

婚姻狀況無關工作權

目前勞委會針對《就業服務法》第48條與第51條從嚴解釋,喪偶、離婚的婚姻移民,如無子女則無法享有合法工作權。換句話說,婚姻關係喪失,並且未在婚姻關係中生子的外籍配偶,在台即無法自立更生。即使有親生子女可以依親,仍須經過複雜的行政手續取得工作證,讓許多外配因為不敢獨自面對公部門,而裹足不前。
勞委會對此表示,將儘速研擬修改細則,未來凡依移民法繼續取得居留權的新移民,都可繼續合法工作,也不需要再申請工作證。
另外,許多新移民在求職時,常受到雇主的刁難,例如要求外配「拿出身份證」、「因為有口音所以不錄用」。勞委會表示,外籍配偶不需再忍氣吞聲,今後若在求職及就業遭雇主歧視,可向公司所在地直轄市或縣市政府的勞政單位檢舉並請求協助,經查屬實後則可依就業服務法第5條規定,處雇主新臺幣30萬元至150萬元罰鍰。

2011年5月9日 星期一

Pinoy, patay sa sumabog na fishing vessel sa Taiwan 菲籍船員死於漁船爆炸

  Namatay kaagad ang isang tripu­lanteng Pinoy habang ang isa pa ay napag-alaman na nawawala matapos su­mabog ang sinasakyan nitong Taiwanese fishing vessel sa Timog-Kanluran ng Atlantic Ocean kamakalawa.
  Sa kasalukuyan, inaalam pa ng Department of Foreign Affairs ang pagkikilanlan ng nga Pinoy na nasawi sa sumabog na sinasakyan.
  Napag-alaman na may wa­long tripulanteng Pinoy ang lulan ng fishing vessel na Lai Ching nang mangyari ang pagsa­bog bandang alas-11:40 ng umaga.
  Ayon sa ulat Lima umano sa wa­long Pinoy ang nasu­gatan. Ma­liban sa mga Pinoy, kasama rin sa crew ng fishing vessel ang ilang Taiwanese, Vietnamese, Indonesian, at Chinese.
  Iniimbistigahan pa ng mga awtoridad kung ano ang naging sanhi ng pagsabog ng naturang fishing vessel.

2011年5月1日 星期日

Employer Maaari Ng Humanap Ng OFW Sa Internet 網路選工 菲勞搶頭香


Sa panulat ni: Li, Shu-Lin
Inilathala ng TSSDNEWS noong 2011.04.28
文/李叔霖
本文轉載自台灣新生報2011.04.28

  Ang internet ngayon ay mas developed mas pinadali. Kahit na ang mga employer ay pwede nang maghanap ng foreign labors sa pamamagitan ng internet. Ipinahayag ng Bureau of Employment and Vocational Training, ang paghahanap ng employer ng foreign labor sa internet ay isinasagawa na ng maraming taon, sa kasalukuyan nag-dedevelop sila ng agarang job bank sa internet, at sa hinaharap ang mga employers ay pwede nang diretsong mamili ng foreign labors na kanilang kinakailangan. Ito ay hindi lamang nakakapag paikli ng oras ng pagtratrabaho, pwede rin itong makatipid na maraming gastos, sa kasalukuyan ang mga files ng mga Filipino workers ay na archieve na ng matagumpay.
  Sinabi ni Lin, San-Gui ang Kalihim para sa Vocational Training, para maprotektahan ang mga karapatan ng mga employers at ang mga foreign workers, at mabawasan din ang mga pasan ng mga foreign labors, ang gobyerno ngayon ay pinipilit na mabuo ang mga files ng mga foreign labors, sa hinaharap pwede ng mag-hire ang mga employers ng mga foreign labors na pumapasa sa kanilang standards, at mai- apply lang ang kanilang pagdating dito sa Taiwan, sa ganitong paraan hindi na kailangan ng mga foreign labors na dumaan sa mga ahensya, pero ang batay ng planong ito ay para maghanap lamang ng bagong labors.
Ang apat sa pinaka maraming labors ay ang galing sa Pilipinas, Vietnam, Thailand, at Indonesia. At tanging ang Pilipinas lamang ang merong buong data base.
Pero, sa mga naipong records. Ang kabuang mga foreign labors na nawawala o tumatakas sa Taiwan ay nasa bilang ng 27,000 ang mga taga Vietnam ay bumibilang ng 13,000 na tao, ang galing sa Indonesia ay umaabot sa 11,000 ang galing sa Pilipinas ay nasa 1,800 at ang galing sa Thailand ay umaabot ng 1,000 o mahigit, at ang mga labors na galing sa Vietnam ang may pinaka maraming bilang ng tumatakas sa kanilang employers, kaya hindi na pinapayagan na dumating ang mga Vietnamese na manggagawa, at ang mga tumatakas na galing sa Indonesia ay humahabol na sa bilang ng mga Vietnamese. Kaya ang ikinatatakot ng mga employers at ng mga broker ay baka pati ang mga Indonesian na manggagawa ay hindi na rin papuntahin sa Taiwan.
Dahil sa dahilan na ito, ipinahayag ni Lin, San-Gui, ang mga tumatakas ng Vietnamese na labors ay umaabot sa bilang ng 82,000 ang Indonesian ay nasa bilang ng 16,000 bagamat magkalapit ang mga ito, pero may malaki pa ring distansya sa mga bilang na ito. Ang Vocational Training Center ay gumaganap ng Taiwan- Indonesia conference at ng Indonesian consultation, at nangangarap silang makahanap ng paraan para mabawasan ang pagtakas at pagkawala ng mga Indonesian na manggagawa.
Sa pamamagitan ng direksyon employment ng mga foreign labors ng Vocational Training Center, hindi na kailangan magbayad ng kahit na kaunting service fee, at makakatipid din ng pera sa mga employers at sa mga foreign labors, sa kasalukuyan ang Vocational Training Center ay gumaganap ng seminar sa serbisyong ito, ang mga interesado ay pwedeng tumawag sa :(02)6608-5001 transfer sa 103.

  現代網路發達便利,連雇主聘僱外勞也能直接從網路挑選外籍勞工。行政院勞委會職訓局表示,雇主直接聘僱外籍勞工措施已進行多年,目前正規劃網路直接聘聘模式,未來雇主可以直接從網路上選擇理想的外勞,不但縮短作業時間,也可省下不少的成本,目前菲律賓籍勞工資料庫已首先建檔完成。
  職訓局局長林三貴指出,為保障雇主和外勞權益,同時減輕外勞來台工作的經濟負擔,政府正積極建構外勞選工資料庫,日後雇主可以從網路上直接選擇符合工作條件的外勞,接著只要完成辦理外勞來台作業程序即可,如此就不必透過外勞仲介公司的管道引進外勞,但目前規劃以重新招募的外勞為主。
四大外勞來源國中,目前只有菲律賓首先建置完成勞工資料庫,其餘越南泰國印尼等外勞來源國尚未完成。
  林三貴進一步指出,明(二十九)日將和印尼舉行台、印雙邊會議,建置勞工資料庫將是主要議題之一,至於台灣雇主的網路選工平台最快將於下半年建置完成。
  不過,根據官方統計,目前在台行蹤不明的外勞約有二萬七千人,其中越勞占一萬三千多人、印勞占一萬一千多人、菲勞占一千八百多人、泰勞占一千多人,越勞因為逃逸人數過多,已被政府凍結多年,而印勞逃跑人數也直追越勞,讓外勞仲介、雇主們莫不擔憂印尼勞工是否也會跟著被凍結來台?
  對此,林三貴強調,目前在台越勞人數約八萬二千人,印勞人數約十六萬人,雖然逃逸人數看起來很接近,但在比例上仍有很大的差異,職訓局將在近期舉辦的台印會議中和印方協商,希望能夠找出有效減少印勞行蹤不明事件的方式。
透過職訓局直接聘僱聯合服務中心就能夠辦理外籍勞工聘僱作業,不用繳交任何服務費用,可減輕雇主和外籍勞工的經濟負擔,目前職訓局正辦理外籍勞工直接聘僱說明會,有興趣的民眾可直接撥打專線:(02)6608-5001103洽詢。

2011年3月8日 星期二

Migranteng Pilipino Sigaw ‘‘Wala Kaming Ginagawang Kasalanan’’ 移工抗議!移工無罪!


Mga migranteng Pilipino sa Taiwan Nagprotesta kahapon sa pag freeze sa mga OFW laban sa gobyerno ng Taiwan.

Nagsamasama ang mga manggagawang Pilipino, at ibat ibang migranteng lahi sa harap ng opisina ng Presidente ng Taiwan, Sa pangunguna ng TIWA, KASAPI, MIGRANTE, IPIT at ibat-abang grupong ng asosasyon.

Sigaw ng mga manggagawang pilipino sa gobyerno ng Taiwan hindi sila dapat pinag-iiinitan kung anuman ang naging hidwaan ng magkabilang bansa.

Ayon sa CLA (Council of Labor Affairs) maghihigpit sila sa mga pilipinong aplikante na gustong magtrabaho sa Taiwan. Ito’y sa dahilang sa hindi paghingi ng sorry ng bansang Pilipinas.

Ang gobyerno ng Pilipinas ay patuloy ang pagmamatigas na hindi hihingi ng sorry sa pagpapadala ng 14 na Taiwanese na may kaso buhat sa China na ayon sa Taiwan government dapat daw ay sa Taiwan pinadala at hindi sa China.

Yan ang dahilan kaya’t ang gobyerno ng Taiwan ay malaki ang galit sa gobyerno ng Pilipinas
At ngayon nga ay naghihigpit sila sa mga OFW na gustong magtrabaho dito saTaiwan.
Hiling ng mga manggagawang pilipino huwag silang idamay at wala silang ginagawang kasalanan.

Ayon sa MIGRANTE malaking pagkakamali ang ginagawa ng gobyerno ng Taiwan sa paghihigpit sa pagpasok ng mga OFW sa Taiwan.

Ayon din sa Migrante ang mga manggagawang Pilipino ay malaki ang naiambag sa pamahalaang Taiwan, katulad ng pagpapatayo ng mga inprastraktura marami sa kanila ay mga manggagawang pilipino, ganun din sa mga factory , sa mga hospital at mga bahay na nag-aalaga ng mga matatanda at bata.

Ayon na rin sa paghihigpit ng gobyerno ng Taiwan mahirap para sa mga pilipinong aplikante ang makapasa sa dami at bigat ng mga bagong kakailanganing papeles para sa pagtatrabaho sa Taiwan.