Mga migranteng Pilipino sa Taiwan Nagprotesta kahapon sa pag freeze sa mga OFW laban sa gobyerno ng Taiwan.
Nagsamasama ang mga manggagawang Pilipino, at ibat ibang migranteng lahi sa harap ng opisina ng Presidente ng Taiwan, Sa pangunguna ng TIWA, KASAPI, MIGRANTE, IPIT at ibat-abang grupong ng asosasyon.
Sigaw ng mga manggagawang pilipino sa gobyerno ng Taiwan hindi sila dapat pinag-iiinitan kung anuman ang naging hidwaan ng magkabilang bansa.
Ayon sa CLA (Council of Labor Affairs) maghihigpit sila sa mga pilipinong aplikante na gustong magtrabaho sa Taiwan. Ito’y sa dahilang sa hindi paghingi ng sorry ng bansang Pilipinas.
Ang gobyerno ng Pilipinas ay patuloy ang pagmamatigas na hindi hihingi ng sorry sa pagpapadala ng 14 na Taiwanese na may kaso buhat sa China na ayon sa Taiwan government dapat daw ay sa Taiwan pinadala at hindi sa China.
Yan ang dahilan kaya’t ang gobyerno ng Taiwan ay malaki ang galit sa gobyerno ng Pilipinas
At ngayon nga ay naghihigpit sila sa mga OFW na gustong magtrabaho dito saTaiwan.
Hiling ng mga manggagawang pilipino huwag silang idamay at wala silang ginagawang kasalanan.
Ayon sa MIGRANTE malaking pagkakamali ang ginagawa ng gobyerno ng Taiwan sa paghihigpit sa pagpasok ng mga OFW sa Taiwan.
Ayon din sa Migrante ang mga manggagawang Pilipino ay malaki ang naiambag sa pamahalaang Taiwan, katulad ng pagpapatayo ng mga inprastraktura marami sa kanila ay mga manggagawang pilipino, ganun din sa mga factory , sa mga hospital at mga bahay na nag-aalaga ng mga matatanda at bata.
Ayon na rin sa paghihigpit ng gobyerno ng Taiwan mahirap para sa mga pilipinong aplikante ang makapasa sa dami at bigat ng mga bagong kakailanganing papeles para sa pagtatrabaho sa Taiwan.
0 意見:
張貼留言