2011年3月20日 星期日

PNP May Panawagan Sa Mga Graduates: Magpulis Na Kayo 國內「警」荒 徵召新鮮人報考

Tinatawagan ngayon ng pamunuan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang lahat ng nakatapos ng kolehiyo na hanggang sa ngayon ay wala pang nakukuhang trabaho, na mag-applay para maging pulis.

Ito ay panawagan ng Philippines National Police (PNP) at National Police Commission (NAPOLCOM) sa ating mga kolehiyo graduates na kinakailangan ng maraming pulis ngayong taon.

Ayon kay NCRPO chief, Director Nicanor Bartolome, kakailanganin nila ngayong taon ng humigit sa 500 pang mga bagong pulis matapos pa-igtingin pa ng pamunuan ang sistema ng pagkuha ng kapulisan.

Ayon kay Bartolome dinagdagan ng PNP at ng Napolcom sa 1,630 bawat taon ang paghahanap ng mga bagong pulis na sa dating 1,120 na naglalayong makuha ang ratio na 1:50 na ang ibig sabihin ay isang pulis sa bawat 50-bilang ng mga taong pagsisilbihan.

Umaasa ang NCRPO chief, na napakalaking tulong ang karagdagang 510 pang pulis na makukuha bawat taon sa pagpapaigting ng ating police visibility sa mga lansangan at komunidad para mas maging ligtas laban sa mga krimen.

Idinagdag pa ni Bartolome na kuwalipikado na maging pulis, lalaki o babae may edad na 21 hanggang 30- taong gulang, dapat ito ay Pilipino citizen, at nagtapos ng kahit anong kurso at may magandang pag-uugali.

0 意見:

張貼留言