Simula sa darating na Hunyo, hindi na lamang para sa paggamit ng cellphone maririnig ang katagang, “pa-load." Inaasahan kasi na ipatutupad na sa nabanggit na buwan ang e–load o ang electric load system para sa kuryente.
Ayon sa ulat ang P100 halaga ng ipina-load sa kuryente ay maaaring magamit sa bahay ng dalawa hanggang tatlong araw.
Isang espesyal na kuntador din ang ikakabit sa bahay para makita kung magkano na ang nakonsumong load sa kuryente. Kapag mauubos na ito, may makikitang iilaw sa kuntador.
Isang espesyal na kuntador din ang ikakabit sa bahay para makita kung magkano na ang nakonsumong load sa kuryente. Kapag mauubos na ito, may makikitang iilaw sa kuntador.
May ipapadala ring text message sa iyong cellphone para paalalahanan ka na kailangan mo nang load-an ang iyong kuryente.
Inaasahang makatutulong ang prepaid kuryente para mabawasan ang mga nagnanakaw ng kuryente o iyong mga nagja-jumper.
Ang makabagong sistema sa pagbabayad ng kuryente ay ginagamit na umano sa ilang bansa sa Europa at maging sa South Africa. Inaprubahan na rin ito ng Energy Regulatory Commission at mga electric cooperative kaya maaari ng mag-umpisa sa buong bansa simula sa Hunyo.
May mga Pinoy naman na nagpahayag na aprub sa kanila ang prepaid kuryente dahil sa tingin nila ay mas matipid. Mayroon din namang nagdududa sa modernong teknolohiya at mas gusto pa rin ang dating sistema para makasiguro na tama ang binabayaran nilang konsumo ng kuryente.
0 意見:
張貼留言