2011年3月20日 星期日

Tubig Sa JAPAN ‘Di Na Pwedeng Inumin 日本飲水污染!

Nagpalabas ng anunsyo ang Japan Health Ministry sa mga residente sa isang bayan na may 20 milya ang layo mula sa nasirang Fukushima Dai-ichi plant sanhi ng March 11 disaster, na huwag uminom sa mga gripo dahil sa pagtaas ng levels ng iodine.
Ang panawagan ay ipinalabas kasunod ng muling maglabas ng usok buhat sa dalawang units ng reactors kung kaya napilitan ang mga manggagawa at nagsisikap na palamigin ang mga ito.
Ang sanhi ng sunod sunod na pag-usok sa Dai-ichi plant ay kasalukuyan pang iniimbestigahan.
Sinabi naman ng gobyerno na ang radiation levels ay maliit pa lamang para magdulot ng panganib sa kalusugan.
Ang epekto ng tatlong magkakasunod na disaster sa Japan ay meron ng malinaw na focus matapos ipaalam ng World Bank na mangangailangan ang bansa ng 235 bilyon dolyar para sa gagastusin nito sa mga damage at sa pagbangon uli na dulot ng trahedya.
Samantala, lumipad na ang Philippines Airlines kahapon para ihatid (PAL) ang 70,000 botelya ng Absolute distilled water buhat  sa Asia Brewery, Inc. bilang panimula ng pagpapadala ng relief goods sa ibat ibang ba­yan ng Japan na grabeng tinamaan ng lindol at tsunami. 

0 意見:

張貼留言