2011年3月31日 星期四

Isa Pang Pinoy Nahatulan Ng Kamatayan Sa CHINA 菲國毒犯在中國被判死刑

Parang pinagsukluban ng langit at lupa ang nararamdaman ngayon ng isang Pinoy na nakapiit ngayon sa Guangzhou, China matapos bitayin sina Sally Ordinario-Villanueva, Ramon Credo at Elizabeth Batain
‘’Nagmamakaawa po kami’’ ito ang sambit ng kapatid na si "Anna" na kung maaari ay gawin na ng gobyerno ang lahat ng paraan para mailigtas ang kapatid ko sa parusang kamatayan.’’
“Sana wala na sanang mabibitay pa. At sana naman asikasuhin na ng gobyerno ito iisa na lang ito,” hinaing ni Anna.
Sa edad na 35 ay wala pang asawa ang kapatid ni Anna.
Nadakip ang kapatid ni Anna ng makitaan ito ng 1.4 kilos ng heroin na nakapaloob sa kanyang bagahe noong taong 2008.
Sa lahat ng Pilipinong nahatulan ng bitay sa China, ay siya na lang ang may hatol na kamatayan .At sakaling mang kumpirmahin na ng korte ang hatol, tuloy na ang pagbitay sa kanya.
“Malaking kasalanan talaga iyon pero sana naman ibaba ang sentensya huwag naman bitay. Huwag naman sanang mangyari sa kapatid ko ito, katulad sa tatlong nabitay,” luhaang tugon ni Anna.
Banggit pa ni Anna, napakabait ng kanyang kapatid at wala raw criminal record ang kapatid niya rito sa Pilipinas ginamit lang daw siya ng mga drug syndicates.
 Sa kabuuan ay umaabot ng Pitumpu’t limang Pilipino na ang nahatulan ng kamatayan sa China. subalit, bumaba ang hatol nila sa bitay with 2 years reprieve.
Ang Ibig sabihin, ay ipagpapaliban pa ng 2 taon ang pagbitay.
Ayon naman sa D F A, katumbas ito ng panghabambuhay na pagkabilanggo dito sa ating bansa kung magpapakita sila ng magandang record sa kulungan.

0 意見:

張貼留言