2011年4月7日 星期四

Paalam 'RP’ ; Hello 'PHL' o 'PH' 菲律賓國名縮寫舊換新

Magsanay na sa pagbigkas o pagsulat ng “PH o “PHL" para sa pinaigsing Philippines sa halip na ang nakasanayang “RP," na patungkol sa "Republika ng Pilipinas."

Ayon sa DFA, hindi naaayon sa itinakdang codes ng International Organization for Standardization (ISO) ang paggamit ng bansa sa "RP."

Sa patakaran na itinakda ng ISO, ang inisyal ng Pilipinas – na batay sa dalawang letra (alpha-2) at tatlong letra (alpha-3) ng mga bansang kasapi nito – ang code na dapat gamitin ng bansa ay PH at PHL.

Para masunod ang itinakda sa ISO, nagpalabas ng department order si Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo noong Oktubre 20, na nag-aatas sa 67 embahada, 23 konsulado at at apat na permanent mission, na gamitin na ang PH o PHL bilang inisyal ng Pilipinas sa kanilang komunikasyon.

Nagpasya na rin ang GMA News na sundin ang desisyon ng DFA na gamitin sa kanilang mga balita ang PHL sa halip na ang nakagawiang RP.
At dahil dito kailangan na rin na makasanayan na ng lahat o kahit na anong mga departamento ang pagbigkas o pagsulat ng PH O PHL.

Ang ISO ay isang international-standard-setting body na binubuo ng mga kinatawan ng national standards organizations ng iba't ibang bansa.

Mapapansin na ang ISO codes ay ginagamit din sa airline ticketing, pag-isyu ng passport, halaga ng pananalapi, internationally-traded shares sa stock market at iba pa. 

0 意見:

張貼留言