文╱陳穎青
Isinulat ni Chen, Ying-Ching
Ang mga dayuhang asawa kabilang na dito ang mga nanggaling sa mainland China ang kasalukuyang pinagbubuntungan ng sisi dahil pinapababa nila ang dignidad ng ating lipunan lalu na ng kanilang mga anak sapagkat hindi sila natuto ng mahusay na komunikasyon at nakakahadlang sa makabagong henerasyon ng Taiwan. Kung kaya’t ang mahuhusay na Taiwanese ay nadudungisan dahil na rin sa mga dayuhang asawa.
Paano na yan? Ang ilang tao ay ginagamit ang kanilang puwersa ukol sa pamantayan ng matuwid na kaugalian upang ipagdiinan ang pangmalawakang karapatang pantao at umaaasang mabago ang ganitong klase ng takbo ng pag-iisip na ang mga dayuhang nobya ay tao rin at sila ang ina ng henerasyon ng ating mga kabataan o kung tawagi’y MGA ANAK NG MAKABAGONG TAIWAN. Nararapat lamang na ang mga kababaihang ito ay tulungan at turuan kung papaano makibagay sa ibang mga Taiwanese. Sa simula pa lamang ng kanilang pagdating, nararapat lamang na sila ay makisali sa kung anong buhay mayroon dito nang sa gayon ay malimot na nila ang kanilang pinanggalingan at maging ganap na mamamayang Taiwan .
Ang ganitong dalawang (2) uri ng kaugalian ay patindi nang patindi ang paglala. Sa kabilang banda, ang ganitong kaisipan ay isang diskriminasyon. Atin silang inilalagay sa pangalawang antas ng mamamayan. Tayo ay nagmamayabang at nagmamadaling sila’y baguhin kabilang na rito ang pagbabago sa kanilang sariling wika, kultura, tradisyon at kanilang buong pagkatao sa loob at sa labas. Maging kung sila ay nasa kanilang sariling tahanan, dapat lamang na baguhin nila ang kanilang paraan ng pananamit, pagluluto at pagkain. Sa madaling salita, nararapat lamang nilang isuko ang lahat sa atin upang sa gayon ay maging katulad natin sila.
Pangkaraniwan na lamang ang diskriminasyon sa mga taga labas ay talamak kung sisilipin natin ang ibang lugar. Napakaraming halimbawa nito sa ating kasaysayan. Lagi nating kinalilimutan ang mga aral ng kasaysayan. Ang Taiwan ay naging masagana dahil sa mga migrante. Kung ating kalilimutan kung paano tayo nakaahon sa nakaraan, magkakaroon pa kaya tayo ng oportunidad? Magkakaroon pa ba tayo ng pagkakataong umunlad sa darating pang panahon? .
Sa nagdaang apat na raang (400) taon o maaari mong sabihing sa halos sampung libong (10,000) taon, ang Taiwan ay lagi na lamang pangarap na lupain ng bawat nakikipamayan. Bawat henerasyon, may mga taong nililisan ang kanilang bayang sinilangan at tumatawid ng dagat upang dumako at manirahan sa ganitong kagandang lupain. Ang lupain ding ito ang nagbibigay ng kinakailangan ng tao, anuman ang kanilang lahi ng walang diskriminasyon at pagsisi. Bakit? Bakit hindi natin itanong sa ating mga sarili kung bakit natin hinayaang umusbong ang diskriminasyon sa ating lupain?
Samakatuwid, sa darating pang mga daang taon, naniniwala ako na ang lakas-manggagawa(manpower) at ang puwersa ng Taiwan ay nakasalalay sa mga dayuhang asawa.
Hindi ka naniniwala sa akin? Tingnan natin ang mga dote ng mga dayuhang nobya. Dote? Anong akala mo sa akin, nasisiraan na ng ulo? Karamihan sa kanila ay binili. Nasaan ang kanilang dote? Kung ang titingnan lamang ng iyong mga mata ay salapi at kagamitan, talaga nga namang hindi mo makikita. Kung atin lamang isasantabi ang mga ganitong bagay sa ating paningin, pakiusap lang, pag-isipan mo ito. Ang bawat dayuhang asawa ay nag-asawa na kahit wala ng mga ganoong mga bagay ngunit mayroon silang dala-dala na hindi maaaring mahiwalay sa kanila na higit pa sa iniisip nating dote. Ano kaya yon?
Iyon ay ang mahigit sa napakaraming taon na kultura at alaala ng kanilang inang sinilangan.
Ang akala mo ba ay makakamit lamang ang kultura sa antas, sa diploma at sa pag-aaral sa loob ng paaralan? Natural hindi. Ang bawat dayuhang asawa ay mahusay sa pagsasalita ng kanilang sariling wika, may mga alaala mula pagkabata, mga laro, sariling pananamit, mga alamat, mga awitin, paraan ng pagluluto, pagkain, mga talambuhay at higit sa lahat sila ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng kanilang pamilya at ang tulay na ito ang nagdudugtong sa dalawang magkaibang pamilya upang bumuo ng isang relasyong kailanman ay hindi maaaring putulin.
Ang ating bagong henerasyon, ang mga anak ng makabagong Taiwan, sa darating na panahon ay madali nilang masasabing ang lupain ng aking mga ninuno ay sa Singapore, sa China, sa Ho Chi Ming, sa Malaysia, sa Tsa Li Mang Tan.
Kung ating hahayaan ang ating mga anak na matutunan ang kanilang inang wika, pagkatapos ang isang henerasyon, ang Taiwan ay makakaroon ng isang kumpol ng mga taong may kakayahang makapagsalita sa iba’t ibang wika na maaaring makipag-usap sa lahat ng mga nasa Timog-silangang Asya at maging mga taong puno ng kakayahan. Sa loob lamang ng isang henerasyon ay magkakaroon tayo ng libu-libong taong Vietnamese, Thai, Tagalog, Malay, Indo, Tsu-twan, Hou-nan….. at bukod pa dito, ang ugat nito ay galing sa kanilang tunay na lupain. Sila ang kinabukasan ng bagong henerasyon sa Taiwan .
Sila ang magdudulot ng napakalakas na koneksyon ng relasyon sa pagitan ng Taiwan at sa buong Timog-silangan Asya. Gaano kalakas ang mga koneksyon? Sa ekonomiya, politika at komunikasyon? Hindi mo malalaman kung gaano dadami ang mga ganoong kultura at kung sa ilang henerasyon ito tatagal. Makakaimpluwensya ito sa Taiwan . Sinong nakakaalam?
Ang lahat ng mga dayuhang asawa, kabilang ang mga taga mainland China, sila ang pinakamahalagang kayamanan ng Taiwan. Hindi lamang dapat silang ipagmalaki ng Taiwan bagkus nararapat lamang na ipagmalaki sila ng kanilang sariling mga anak ng sa gayon ay magkaroon sila ng interes na pag-aralan ang bayang sinilangan ng kanilang ina patungkol sa mga kaugalian at kultura nito. Kung gaano natin nirerespeto ang mga bagong nakikipamayan galing sa iba’t ibang lupain, magkakaroon tayo ng isang maningning na kinabukasan. Ang tanging katanungan lamang ay kung natatanaw na ba natin ito? Sapat na ba ang ating natatanaw?
Ang mga bagay na nakikita natin ay maaari nating sunggaban. Maaaring sa ngayon ang tingin natin ay walang halaga ito sa darating na dalawampung (20) taon subalit paano kaya sa darating na isang daang (100) taon. Mangyayari kaya ito? Nakikita ba natin ang pagkakataon?
外籍(包括大陸)新娘如今成為台灣沙文主義者怪罪的對象了──她們拖垮了我們的社會,拖垮了我們的下一代,製造了遲緩兒,讓「新台灣之子」語文程度低落,人際關係發展緩慢,優秀的「台灣人」快要被外籍新娘的混種給污染掉了。
怎麼辦呢?有人用道德勸說,呼喊人權的普世價值,希望能扭轉觀念:外籍新娘也是人,還是我們新台灣之子的親娘,我們要幫助她們,教育她們,讓她們盡早融入台灣社會,努力消弭她們非我族類的不良出身。
這兩種態度其實一樣糟糕,因為背後都帶著種族歧視的姿態。我們先預設了外籍新娘是次等的,然後又盲目地自大,要求既然來到這塊土地,就要無條件被我們同化,她們必須放棄語言,放棄文化,從心靈開始改造,完全臣服。她們不敢提起自己的文化淵源,連穿起故鄉最隆重的禮服,也要被公然斥喝,連想起自己是外來者都覺得可恥。
怎麼辦呢?有人用道德勸說,呼喊人權的普世價值,希望能扭轉觀念:外籍新娘也是人,還是我們新台灣之子的親娘,我們要幫助她們,教育她們,讓她們盡早融入台灣社會,努力消弭她們非我族類的不良出身。
這兩種態度其實一樣糟糕,因為背後都帶著種族歧視的姿態。我們先預設了外籍新娘是次等的,然後又盲目地自大,要求既然來到這塊土地,就要無條件被我們同化,她們必須放棄語言,放棄文化,從心靈開始改造,完全臣服。她們不敢提起自己的文化淵源,連穿起故鄉最隆重的禮服,也要被公然斥喝,連想起自己是外來者都覺得可恥。
當然歧視外來者的例子,國際上多得是,從納粹黨到一族黨,古今中外,數不勝數,但我們似乎忘了,台灣是因為移民而興盛富強的國家。如果我們忘了自己是如何走過的,歷史還會給我們繼續發展的機遇嗎?
四百年來(或者說一萬年來),台灣原本就是移民者的夢土,每個時代都有人離鄉背井,遠度重洋來到美麗的寶島討生活。這一片土地供養了無數子民,無差別,無怨尤,也無歧視。為什麼我們反而自己在這裡製造種族歧視的罪惡呢?
事實上未來一百年,台灣的核心競爭力,就寄託在今天的外籍新娘身上啊。
不信嗎?我們不妨看看這些外籍新娘帶來的嫁妝。嫁妝?你覺得我頭殼壞去嗎?她們大部分都是台灣人花錢娶過來的,哪來的嫁妝?
如果眼中只看得到金錢和財貨,我們自然看不到什麼嫁妝;可是我們的眼光別只放在那些三件五件的東西上吧。請想一想,即使每個外籍新娘身無長物地嫁入門來,她們隨身都帶著一種無法分割,無法剝奪,也無法洗劫的財富,遠比任何物質嫁妝都貴重。那是什麼?
那就是她們幾十年母國文化的薰陶與記憶。
你以為只有大學畢業、博士學位,在象牙塔中攻讀,才有辦法學得某個地方的文化嗎?當然不。每個外籍新娘身上都帶著當地流利的語言,帶著童年的友誼、兒時的遊戲、當地的生活禮俗、宗教記憶、鄉野傳說、流行歌曲、料理方法、神話典故,以及最重要的,一條繫線,讓無關聯的兩個家庭、兩個地方,建立了不可切割的血緣關聯。
未來我們新生代的台灣之子,可以很容易說出,我的外婆家在星洲、在東馬、在長沙、在胡志明市、在加里曼丹……。
如果我們現在就讓這些新台灣之子,從小就學習他們真正的母語,真正的「媽媽說的話」(而不是所謂「鄉土語言」),那麼一個世代之後,台灣將會有一群最能夠跟整個大東亞,所有國家和地區辦交涉的多語人才。只要一個世代,我們就擁有幾萬個嫻熟越語、泰語、菲語、馬來語、印尼語、四川話、湖南話……,而且在當地有淵源、辦事有親族的台灣新生代。
他們將為台灣和整個東亞地區,建立多少有威力的關聯紐帶?這些紐帶將會帶來多少政治、經濟、文化的交流?如果這些異文化的激盪能夠持續幾個世代,台灣在漢字文化圈將會開出什麼樣的局面來,誰知道呢?
所有外籍以及大陸新娘,都是台灣最珍貴的財富,台灣社會不但要以她們為榮,也要讓她們的兒女以身為她們的兒女為榮,讓他們從小就明白母親的故鄉以及那裡一切的文化與風土。我們越尊重四方移來的多元文化,台灣的未來就越不可限量,唯一的難題只是,我們的眼光夠遠嗎?
我們看得到,並且抓得住,這個未來二十年沒有作用,但是未來一百年我們將倚仗的歷史機運嗎?
0 意見:
張貼留言