Nanindigan ang Malacañang sa P73.85 milyong tax evasion case na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa anak ng dating Pangulong Gloria M, Arroyo at ngayon ay Ang Galing Pinoy partylist Rep. Juan Miguel ‘Mikey’ Arroyo at sa asawa nitong si Angela.
Ayon naman kina presidential spokesman Edwin Lacierda at Communications Secretary Ricky Carandang, pinatutupad lang namin ang tamang batas at hindi namin pinag-iinitan ang mga Arroyo, ang isinampa naming kasong tax evasion ay nagdaan sa masusing imbestigasyon ng Bureau of Internal Revenue.
Nagkataon lang raw na isa ang tax evasion case ng mag-asawang Arroyo sa nakikita ng BIR at nagkataon din raw na anak ng dating Pangulo ang sangkot dito.
Diumano nagkasunod ang kasong tax evasion na isinampa ng BIR laban kay Arroyo at sa isa pang kasong isinampa ng Finance department kay Local Water Ulities Administration (LWUA) chairman Prospero Pichay Jr.
Siniguro naman ng Malacañang na bibigyan ng due process si Mikey Arroyo at ang misis nito kahit na sila ay galing sa political opposition.
Mariing sinabi naman ng BIR na walang halong pamumulitika ang isinampang kaso laban sa mag-asawa.
Sinabi naman ni BIR Commissioner Kim Henares, na wala sinuman sa kanila ang nag-file ng income tax returns buhat noong taong 2005, 2008 at 2009 habang si Angela ay hindi nagsumite ng ITR buhat noong taong 2003 hanggang 2009.
Ayon pa rin kay Kim Henares, walang halong pulitika ang ginagawa ng kanilang opisina laban sa isinampang kaso sa mag-asawang Arroyo kundi isang tungkulin na dapat gawin.
Dugtong pa niya, nasa pang-37 ang mag-asawang Arroyo sa listahan ng mga kinasuhan sa ilalim ng Run After Tax Evaders (RATE) program ng BIR.
0 意見:
張貼留言