Nagmula sa: Ching Tze Tien Sha
Tagapagsalita: Mon, Ing-Rou ( Propesor sa Hsinchu Educational University )
Sa panulat ni: Li, Pei-Fun
Isinalin sa Tagalog ni:Tessa
出處/親子天下
口述/孟瑛如(國立新竹教育大學特教系教授,特殊兒親職教育)
整理/親子天下李佩芬
翻譯╱程榮鳳
整理/親子天下李佩芬
翻譯╱程榮鳳
Ako ay naninirahan sa gawing hilaga ng Taiwan (Taoyuan, Hsinchu, Miaoli). Noong nag-aaral ang aking anak sa kindergarden, hindi mo siya mapauupo ng matagalan sa klase, kaya dinala ko siya sa hospital upang ipasuri at napag-alaman kong siya’y mayroon ADD (Attention Deficit Disorder). Walang espesyal na paaralang malapit sa aming lugar. Maaari bang sabihin ninyo sa akin kung paano ako makakahanap ng paaralan na babagay sa aking anak?
Sagot (Answer)
Sa Taipei at sa Kaohsiung ay 99% ng mga paaralan ang mayroong espesyal na pagtuturo. Mayroong namang mahigit na 70% sa ibang siyudad at kadalasan hindi bababa sa 50% ang may ganitong paaralan. Sa ngayon, ang aming layunin ay magkaroon ng espesyal na klase sa bawat siyudad at lalawigan. Ayon sa Educational Law para sa mga espesyal na bata, bawat tatlong (3) taon (dati ay bawat dalawang (2) taon lamang) ang mga espesyal na klase ay nangangailangan ng ebalwasyon at bawat magulang ay maaaring magtungo sa departamento upang tingnan ang resulta nito at ng magkaroon sila ng ideya sa paaralan.
Ang Education Board ay pagtutuunan ng pansin ang nangangasiwa sa espesyal na klase, ang pagtuturo, personal na edukasyon, programang pang-edukasyon, serbisyong pangpropesyonal at serbisyong pangkomunidad. Bibigyan nila ng grado ang bawat paaralan at pagkakalooban sila ng gantimpala.
Kung nais mong malaman kung saan sa inyong siyudad mayroong espesyal na paaralan at ang resulta ng kanilang ebalwasyon, maaari mo itong makita sa website ng Educational department.
Ayon sa makabagong batas at alintuntunin, ang gobyerno ay nagbigay ng karapatan sa mga bata na mamili ng gurong naaangkop para sa kanila. Ang mga batang hindi lamang may pisikal na kapansanan, kabilang na rin ang batang may kakulangan sa pag-iisip, karamdamang emosyonal at may kahinaan sa pag-aaral.
Kung sakaling ikaw ay may anak na espesyal na bata, karamihan sa ginagawa ng mga magulang ay lumilipat ng tirahan at nang sa gayon ang kanilang anak ay magkakaroon ng oportunidad na makapag-aral sa magandang paaralan. Sa Hsinchu, halimbawa ang mga guro sa espesyal na klase ay may kanya-kanyang espesiyalidad. May mga gurong natatangi sa kabutihang asal, ang ilan ay mahusay pagdating sa pangangalaga sa espesyal na bata.
Upang lubusan ang pagtitiwala ng mga magulang, sumangguni sa isang espesyalista sa edukasyon para maiwasan natin ang panghuhusga sa mga guro kung sila ba ay mahusay o hindi ngunit nararapat lamang na ang kanilang paraan sa pagtuturo ay tugma sa pangangailangan ng espesyal na bata. Kung kaya’t kami ay naniniwala na ang mga guro ay nararapat na pakibagayan ang mga espesyal na bata
Halimbawa sa Taoyuan, Hsinchu, Miaoli. Ang mga guro sa espesyal na klase sa Nan-Liao Elementary School ay mahusay pagdating sa mga batang may problema sa pagsulat. Ang ilan sa mga batang mahilig mag-umpisa ng kaguluhan ay nagagawang magpakabait sa tulong na rin ng espesyal na klase sa Hsinchu Ming-Fu Elementary School. Ang mga batang ito’y may sakit na tinatawag na Asperger’s Syndrome. Ang mga guro naman Sa Taoyuan Chen-Kong Elementary School at Hsinchu San-Chi Elementary School ay kadalasang napapamangha ang magulang ng mga batang may problema sa Mathematics. Samantala, sa Miaoli Hou-Chuang Elementary School ang paraan ng pagtuturo sa espesyal na klase ay laging puno ng pag-ibig at suporta sa problemang pang-emosyonal at pag-uugali. At sa Hsinchu Tsu-Pei Elementary School naman ay natatangi sa dami ng kasangkapan na magagamit upang matulungan ang mga batang may kapansanan.
Sa totoo lang, maraming mga guro ang naglaan ng kanilang buhay para sa espesyal na edukasyon. Sa pamamagitan nila ang mga bata ay nakatagpo ng pag-asa sa buhay at patuloy nilang pinauunlad ang kanilang pag-aaaral alang-alang sa mga espesyal na bata.
問:
我住桃竹苗區,孩子念幼稚園時就坐不住。後來到醫療院所鑑定,確定有注意力缺陷過動傾向,我們所屬學區內的學校,並沒有設立資源班。請問我該如何替孩子選擇合適的學校?
答:
答:
除了北、高兩市99%以上的學校設有資源班外,有近7成縣市,學校設立資源班比例幾乎都不足5成。目前普設資源班,在各縣市都是當務之急。根據現行特教法規,所有資源班每隔3年(今年以前是每隔兩年)就必須接受評鑑。家長可以到各縣市教育局處的特教科查詢。
特教科會定期針對資源班的行政、教學、個別化教育計畫、專業服務、社區資源整合及運用等,評選出「特優」、「優等」等正面表列學校。想知道縣市轄內有哪些在特教領域辦學績優的學校,可透過各縣市教育局處特教科網站,查詢這些表列學校。根據最新修正的辦法,國家應給予這群孩子選擇適性老師的權利,這不僅包括有肢體、智能障礙的學生,也包含了有情緒、學習障礙的孩子。
碰到家有特殊兒,多數家長會遷戶口,以便讓孩子就讀擁有足夠特教師資的學校。以新竹為例,由於每個資源班老師的人格特質及教學風格不同,不可諱言也會產生「某些老師對某類孩子特別有辦法」的情形。
對特教領域的人來說,較不會以好壞來論斷老師,反而強調「老師的教學風格,是否能跟孩子的學習風格相配合」。我們較相信對這群孩子而言,老師需要去適應學生,進而調整自己的教學策略及班級經營。
譬如就桃竹苗縣市輔導區為例,南寮國小資源班老師就對寫字、寫作障礙的孩子特別擅長;許多在其他學校被認為故意找麻煩的亞斯伯格孩子,新竹市民富國小資源班老師卻能收服這群孩子的心;桃園成功國小及新竹縣山崎國小的資源班老師,對學習障礙的數學補救教學成果讓家長驚嘆;苗栗后庄國小的資源班教學,對情緒及行為障礙學生總是充滿愛心與支持;新竹縣竹北國小的輔導室,對身障學生的行政支援及資源整合,總是有條不紊並持之以恆。
其實有許多在崗位上默默奉獻的特教及資源班老師,孩子看到他們,就覺得生命有希望、學習有成就,這正是特教工作者的動力所在。
0 意見:
張貼留言