Ang panukala ay ginawa nina Kabataan party-list Rep. Raymond “Mong” Palatino at Aurora Rep. Juan Edgardo “Sonny” Angara. Wala naman kumontra ng aprubahan sa nasabing komite ang panukala.
Ayon sa pag-apruba, hindi na pwedeng gamitin ng mga eskuwelahan ang kanilang istilo na hindi makakakuha ng exam ang kanilang mga estudyante kung hindi ito nakapagbayad ng matrikula.
Ito ang maraming nirireklamo ng mga estudyante na kapag panahon ng exam ay hindi sila binibigyan ng permit dahil daw sa hindi kumpleto ang kanilang ibinayad na tuition fee lalo na kapag final exam na.
At ngayon, malulutas na ang problemang kinakaharap ng mga estudyanteng mahihirap dahil ang lahat ng eskuwelahan na lalabag kapag naging ganap na itong batas ay nahaharap sa multang P20,000 hanggang P50,000
Subalit kung ito ay laging ginagawa, mas mabigat na kaparusahan ang ipapataw sa mga eskuwelahan katulad ng pagkansela sa kanilang permit to operate.
Pero hindi naman madedehado ang mga eskuwelahan dahil papayagan ang mga ito na patawan ng interes ang utang ng mga estudyante para hindi naman maapektuhan ang kanilang operasyon.
Ang ipapataw na interes ay aabot sa 6% bawat taon sa mga studyanteng may utang sa kanila para makabawi ang mga ito sa delay ng kanilang koleksyon.
0 意見:
張貼留言