Nagparamdam na ng ultimatum si Top Rank Promotions President Bob Arum sa Golden Boy Promotions na tumbasan ang kanilang alok kay WBO/WBA lightweight champion Juan Manuel Marquez para sa laban nila ni Manny Pacquiao.
Sinabi ni Arum, na binibigyan na lamang niya ng ilang araw si Golden Boy Chief Executive Richard Schaefer na tapatan ang offer nila kay Juan Manuel Marquez.
Ayon din kay Arum, nakalagay sa counter offer nila sa Mexican warrior na makakatanggap ito ng premyong $5 million at kung sakali naman na talunin niya si Manny Pacquiao at magkaroon ng rematch ay maaaring $10 million ang magiging premyo nito.
Ayon sa impormasyon, nagulat si Schaefer sa napabalita umanong tinanggap na ni Marquez ang alok ni Bob Arum.
Sinabi din ni Schaefer, wala man lang daw itinanong si Marquez tungkol sa offer ni Bob Arum at wala rin daw tinanong kung kaya nilang tumbasan ang iniaalok na $5 million na premyo sa kaniya.
Una rito, may plano sana ang Golden Boy na ilaban si Marquez kay WBC welterweight champion Victor Ortiz.
Pero hindi na matutuloy ito sa kadahilanan na gigil na gigil si Marquez na makaharap muli si Pacman.
Ang labanang Pacquiao at Marquez, ay pangatlong paghaharap na at ito’y sinasabing gaganapin sa darating na Nobyembre 12, Batay sa kontratang napagkasunduan, gagawin ang laban sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas. Si Manny Pacquiao ay merong record na (53-3-2, 38 KO's) at si Juan Manuel Marquez ay (52-5-1, 38 KO's).
0 意見:
張貼留言