2011年6月2日 星期四

Kim Chiu, Walang Binago Sa Aking Ilong At Dibdib 金釗否認整型


Ang grand winner ng “Pinoy Big Brother Teen” na si Kim Chiu sa tindig at sa ganda ng pagdadala ng pananamit ay talagang dalagang-dalaga na ang dating
Ipinagdiwang ng aktres ang kanyang ika-21 kaarawan, kasama ang mga naulilang bata mula sa Grace To Be Born Orphanage bilang pasasalamat sa mga blessings na kanyang natatanggap.
Sinundan pa ito ng isang magarbong party na ginanap sa New York na ginastusan ni Piolo Pascual ng $5,000 "Regalo ni ito ni Papa P, kaming lahat, so masaya naman kami," banggit ni Kim.
Marami ang nakakapuna ngayon sa itsura ng dalaga, meron naglalabasang intriga na tungkol sa isyung pagpaparetoke umano niya ng ilong at pagpapadagdag ng dibdib.
"Wala naman po, 'Bakit? Bawal po bang mag-mature?' Itong ilong ko... gumagalaw pa naman sila," ang sabay tawa ni Kim.
"Kung gusto naman nila, patutunayan ko sa kanila... Wala naman talagang ganu'ng pagbabago eh."
Madalas nalulungkot ang teen star sa mga naglalabasang isyu tungkol sa kanyang itsura.
Noon kasi lagi siyang pinag-uusapan dahil sa walang hubog ang kanyang katawan sa sobrang kapayatan.
Para raw sa kanya hindi dapat ito dinidibdib kasi nga naniniwala siyang mas mahalaga ang inner beauty.
"Para sa akin hindi naman talaga dapat panlabas lang 'yung kagandahan mo, kasi nga sa 'kin 'pag mabait ka maganda ka na," 

0 意見:

張貼留言