2011年6月3日 星期五

Jackie Rice, Nagdalawang-Isip Na Tanggapin Ang Sisid 萊絲接新戲 苦練潛水


  Hindi kinaila ng sexy aktres na si Jackie Rice na nagdalawang-isip siya bago tanggapin ang role ng bagong afternoon soap na Sisid. 
  Ayon sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, kinuwento ni Jackie na talagang hindi siya marunong sumisid dahil hindi siya marunong lumangoy at kaya nag-alangan siyang tanggapin ito.
  Pero dahil sa kasama sa trabaho ang ganitong proyekto, nag-aaral ngayon ang aktres na lumangoy at sumisid. Tuwang-tuwa naman si Jackie sa suporta na ibinibigay ng kanyang mga katrabaho, lalo na ang kanyang leading men na si Dominoc Roco at JC Tiuseco.  Sinabi din ng sexy aktres na ibang Jackie Rice ang masisilayan nila sa Sisid.  Pero sa kabila ng kasiyahan at sa magandang takbo ng career, nagpahayag naman ng kalungkutan si Jackie sa kanyang kapwa StarStruck na si Iwa Moto.  Alam na raw niya ang mga balita tungkol sa problemang kinakaharap ni Iwa na may kinalaman ang dati nitong kasintahan na si Mikey Ablan.  Naniniwala ang sexy aktres na malalagpasan din ni Iwa ang mga pagsubok na dumarating sa kanyang buhay.

0 意見:

張貼留言