2011年6月27日 星期一

Tinanggihan si Ellen DeGeneres: Naging totoo lang ako!—Jinkee 巴喬之妻謝絕美脫口秀邀約


Marami ang nanghihina­yang na hindi pinaunlakan ng misis ni 8-Division World Champion Manny Pacquiao na si Jinkee ang guesting sa sikat na US talk show na “Ellen DeGeneres.”
Katuwiran ni Jinkee, “Kasi live, sabi ko, ayoko ‘yung live. Kasi, first time kong  magge-guest sa America, sa CBS pa, tapos live.”
Dagdag pa niya, “Tapos siyempre, English ‘yun, so baka mag-nosebleed ako. Hindi ako fluent sa English, inaamin ko naman ‘yun.”
 “Nanghihinayang din ako pero naiintindihan naman ni­la. Basta naging totoo lang naman ako na baka ano ‘yung masabi ko, ayokong magkamali,” sey niya.
Para sa amin, tama lang ang ginawa niya. Pero mas okey kung kalilimutan na niya ang showbiz at hayaan na lang ang mister niya rito.
Sa mga bayarang press naman na nambibilog sa ulo ni Jinkee na nagsasabing pantasya siya ng mga kalalakihan at may “K” mag-showbiz, tumigil na kayo, hindi utu-uto ang misis ni Pacman!

2011年6月24日 星期五

Anu-Anong Mga Kadahilanan Ang Maaaring Gamitin Sa Pagsasawalang Bisa Ng Kasal Sa Taiwan? 在台灣如何合法離婚?

Sa panulat ng: Department of Prevention, Rehabilitation and Protection, Ministry of Justice
Isinalin sa Tagalog ni: Tessa
文/法務部保護司
菲律賓文翻譯/程榮鳳

  Ang Civil Law ay may paliwanag patungkol sa Civil Law chapter 2:5.
  Mayroong tatlong uri ng kaparaanan sa pagsasawalang bisa ng kasal. Una, ang kusang-loob na pagsang-ayon ng dalawang panig. Pangalawa, ang pagdedesisyon ng korte. Pangatlo, ang pakikipagkasundo sa tulong ng isang tagapamagitan.
  Ang kusang–loob na pagsang-ayon ng dalawang panig: Ayon sa Civil Law 1050, maaaring maipawalang bisa ang kasal kung ang dalawang panig ay kusang sumang-ayon sa paghihiwalay, may kasulatang nilagdaan ng dalawang saksi at kailangang nakarehistro ito sa barangay.
  Ang pagdedesisyon ng korte: Ayon sa Civil Law 1052 Code 1, maaaring humiling sa korte na maipawalang bisa ang kasal sa pamamagitan ng mga sumusunod na dahilan:

1. Kasal na sa iba.
2. Nakipagtalik sa iba.
3. Hindi makayanan ang pang-aabuso ng asawa.
4. Hindi makayanan ang pang-aabuso ng kamag-anak( first degree relative), hindi kayang mamuhay kasama ang kamag-anak o ang pang-aabuso ng asawa sa kamag-anak.
5. Ang palagiang pagtalikod(pag-iwan) ng asawa o ang pagtalikod sa mahabang panahon.
6. Ang pagtangkang pagpatay sa asawa.
7. Pagkakaroon ng walang lunas na karamdaman ng asawa.
8. May malubhang karamdaman sa pag-iisip.        
9. Ang kawalan ng komunikasyon sa loob ng mahigit tatlong taon.
10. Ang pagkasangkot sa seryosong krimen at nahatulan ng pagkabilanggo sa loob ng mahigit sa anim na buwan.

  Ayon sa Civil law 1052 Code 2: bukod sa nasabing mga dahilan sa Civil Law 1052 Code 1, ang taong salarin ay hindi maaaring humiling sa korte sa pagpapawalang bisa ng kasal. Ayon sa Civil law 1053: Ang mga nakasaaad na dahilan sa Civil Law 1052 Code 1(1&2)ay hindi na maaaring gamitin sa pagsasawalang bisa ng kasal kung ang mga ito ay hindi na lingid sa kaalaman ng kabilang panig sa loob ng mahigit na anim na buwan o sa loob ng dalawang taon. Ayon sa Civil Law 1054: Ang mga nakasaaad na dahilan sa Civil Law 1052 Code 1(6&10)ay hindi na maaaring gamitin sa pagsasawalang bisa ng kasal kung ang mga ito ay hindi na lingid sa kaalaman ng kabilang panig sa loob ng mahigit isang taon o ang pangyayaring ito ay lumipas na sa loob ng limang taon.
  Ang pakikipagkasundo sa tulong ng isang tagapamagitan: Ayon sa Civil Law 1052-1, Ang taong may nais na maipawalang bisa ang kasal ay maaaring humingi ng tulong sa isang tagapamagitan. Ang tagapamagitan ang magsasaayos ng pag-uusap ng magkabilang panig patungkol sa pagpapawalang bisa ng kanilang kasal. Matapos ang pag-uusap at sumang-ayon ang dalawang panig, kinakailangang magkaroon ng kasulatang nilagdaan ng dalawang panig at kinakailangan itong iparehistro ng tagapamagitan sa barangay. Sa pamamagitan nito, magiging ganap na ang pagkawala ng bisa ng kanilang kasal.

  民法「親屬篇」針對婚姻關係的解除,規定於第2章第5節「離婚」,設有「協議離婚(兩願離婚)」、「判決離婚」及「法院調解或和解離婚」3種制度,分別說明如下:
  (一)協議離婚(兩願離婚):
  民法第1050條規定,兩願離婚,應以書面為之,有2人以上證人之簽名並應向戶政事務所為離婚之登記。
  (二)判決離婚:
  民法第1052條第1項規定,夫妻之一方,有下列情形之一者,他方得向法院請求離婚:

01.重婚。
02.與配偶以外之人合意性交。
03.夫妻之一方對他方為不堪同居之虐待。
04.夫妻之一方對他方之直系親屬為虐待,或夫妻一方之直系親屬對他方為虐待,致不堪為共同生活。
05.夫妻之一方以惡意遺棄他方在繼續狀態中。
06.夫妻之一方意圖殺害他方。
07.有不治之惡疾。
08.有重大不治之精神病。
09.生死不明已逾三年。
10.因故意犯罪,經判處有期徒刑逾6個月確定。

  民法第1052條第2項規定,有第1項以外的重大事由,難以維持婚姻者,夫妻之一方得請求離婚。但其事由應由夫妻之一方負責者,僅他方得請求離婚。
  民法第1053條規定,第1052條第1項第1款(重婚)、第2款(與配偶以外之人合意性交)之情事,有請求權之一方,於事前同意或事後宥恕,或知悉後已超過6個月,或自其情事發生後已超過2年者,不得請求離婚;民法第1054條規定,第1052條第1項第6款(夫妻之一方意圖殺害他方)及第10款(因故意犯罪,經判處有期徒刑逾6個月確定)之情事,有請求權之一方,自知悉後已超過1年,或自其情事發生後已超過5年者,不得請求離婚。
  (三)法院調解或和解離婚:
  民法第1052條之1規定,離婚經法院調解或法院和解成立者,婚姻關係消滅。法院應依職權通知該管戶政事務所。

Writing your stories to get T-shirt!! 你來投稿,我送T恤



徵文:好爸爸 / 鬼 / 幸福


Istorya Mo Sabihin Mo



  Ika 8 ng Agosto ay ang Father’s Day dito sa Taiwan, ang LAKBAY ay nag hahanap ng nangibang bansa na “dakilang ama”. Para sa mga nangingibang bansa, paano ba maging isang mabuting ama? Mabuti ba ang iyong ama? Ang tatay ba nang inyong anak ay isang mabuting ama? Ikaw ba ay naging isang mabuting ama?
  Maligaya naming tinatanggap ang inyong sulat, mas mabuti kung may mga pictures. Ang may pinaka mahusay na kontribusyon, ay pagkakalooban namin ang buong pamilya ng gantimpala ”5 Languages Unparalleled” na T-shirt.
  8月8日是臺灣的「爸爸節」,LAKBAY徵求跨國家庭中的「好爸爸」。在跨國家庭中,怎麼樣才是一位好爸爸?你的爸爸好不好?你的孩子的爸爸好不好?你自己是不是一位好爸爸?
  歡迎來稿,附照片尤佳。獲選刊登者,我們將贈送「好爸爸」一家人每人一件精美的「五語倫比」紀念T恤。


  Ang hulyo sa lunar na kalendaryo ay ang buwan ng mga muloto para sa mga intsik, sa Taiwan ang buwan na ito ay para alalahanin ang mga patay. Takot ka ba sa mga multo? Nakakita ka na ba ng multo? O meron ka bang narinig na nakakatakot na kuwento?
  Maligaya naming tinatanggap ang inyong sulat, at ang may pinaka mahusay na kontribusyon ay pagkakalooban namin ”5 Languages Unparalleled” na T-shirt.
  農曆7月是中國的鬼月,在台灣也是懷念往生者的日子。你怕不怕鬼?有沒有遇過鬼?聽過最嚇人的鬼故事是什麼?
  歡迎來稿,獲選刊登者,我們將贈送一件精美的「五語倫比」紀念T恤。


  Ang LAKBAY ay nangangailangan ng mga picture ng mga kasal, o picture ng mga pamilya, o video ng inyong buong pamilya. Ikaw ba ay Filipino, western, Chinese or Cambodian? Ang asawa niyo ba ay mas gumuguwapo pagsuot ang inyong traditional na damit? O nakita na ba ng inyong anak kung gaano kaganda ang kanyang ina kapag suot ang kanyang national na damit? Ang LAKBAY ay tumatangap ng mga pictures at ang mga madamdaming kwento ninyo, ang mananalo at ang ma-ipapublish ay makakakuha ng aming ”5 Languages Unparalleled” na T-shirt.
LAKBAY誠徵婚紗照、家庭照,幸福的家庭合影,妳是菲式、西式、中式、還是柬埔寨風格?妳的丈夫穿起傳統服飾有沒有顯得更帥氣?妳的孩子有沒有見過媽媽美麗的國服?四方報歡迎各位讀者將照片與心情故事投稿,獲選刊登者,我們將贈送一件精美的「五語倫比」紀念T恤。


Mail to: 1F, No.43, Fu-Xing Rd., Xin-Dian Dist., New Taipei City, Taiwan, LAKBAY(231新北市新店區復興路43號1樓) 
E-mail to: lakbaylakbay@ymail.com
paki sulat ang inyong pangalan, address at telephone number.
來稿請記得附姓名、地址與聯絡電話。

2011年6月23日 星期四

Isa Sa Aking Pangarap 我的一個夢

Diktasyon ni: Boyet
Sa panulat ni: Edec
口述/Boyet
整理/趙米蒂

Isa lamang si Boyet mula sa bongabon nueva ecija sa libo libong Pilipino na nagtatrabaho dito sa Taiwan, isa lang ang hinahangad niya sa kanyang pangingibang bansa, ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya.
Dumating si Boyet noong January 4, 2008 at nagtatrabaho bilang factory worker sa isang kumpanya ng cellphone na pag aari ng hapon. Sa unang araw niya sa kumpanya madali niyang nagagawa ang kanyang trabaho dahil meron ding Pilipinong nagtuturo sa kanya. Di nagtagal nag ooperate na siya ng isang machine at halos araw araw siya ay nag-oovertime sa kagustuhan niyang makapagpadala ng malaki sa kanyang asawa na nasa Pilipinas.
Dumating ang araw ng una niyang sweldo at tuwang tuwa siya sa nakita niya sa kanyang payslip, mahigit 34,000NT ang kanyang kinita kasama na doon ang kanyang pag-oovertime. Nasabi niya sa kanyang sarili kung laging ganito buwan buwan ang kanyang matatanggap mabilis siyang makapagpapagawa ng sarili nilang bahay ng kanyang asawa.
Kaya naman Masaya at inspirado si Boyet na magtrabaho kahit isang beses na lang sa isang buwan kung siya ay magday off. Kung siya nga naman ay regular na magde day off maglilibot sa down town at magkakagastos pa. Iniisip niya na huwag na lang para makatipid siya at makaipon ng husto para sa mga pangarap niya.
Inaamin ni Boyet na minsan naaakit siyang bumili kapag napapasyal siya sa electronic store na pangarap din ng karamihan na magkaroon ng ganung bagay, pero pinipigil niya ang kanyang sarili at magtiis na lang maaari naman daw siyang makabili ng mga ganung bagay basta huwag lang magbabago o liliit ang kanyang sweldo.
Sa ngayon ay matatapos na ni Boyet ang ikatlong taon niya dito sa Taiwan at ang pangarap niyang magkaroon ng sariling bahay ay natupad na. pangarap din ni boyet na kapag natapos niya ang tatlong taon ay magnenegosyo siya sa Pilipinas hindi dahil sa ayaw na niyang bumalik dito sa Taiwan kundi baka hindi na siya makatagpo ng katulad ng kanyang kumpanyang napasukan.
Isa lang si Boyet sa mapalad na natupad ang pangarap sa buhay, marami sa ating OFW ang umuwing bigo o walang naipon buhat sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa. Ang iba may uwing konting halaga makaraan ang ilang buwan naubos ang pinaghirapan nagastos sa walang kapararakan.
Sana matuto tayong mag-ipon sa ating pinagtrabahuhan hindi lang sa ating sarili kundi para na rin sa ating pamilya. Langit ang pangarap ng iba nating kababayan na makarating ng ibang bansa kaya kung magiging laspag tayo sa ating mga pinaghirapan walang kinabukasan di ba! Basta’t lagi nyong tandaan, ‘Mag ipon at ika’y Magkakaroon!   

2011年6月18日 星期六

Taipei-Manila Workers’ Fun-Day MECO舉辦移工同樂日






Nagsamasama at nagkasiyahan ang mga Filipino migrant workers sa idinaos na Taipei-Manila Workers Fun-Day sa NTU Sports Center sa Taipei City nitong June 19.
Kasama sa ginanap na kasiyahan ang ilang Taiwanese opisyal na mula sa Labor office.
Nagkaroon ng mga palaro at mga papremyo na hinandog ng mga sponsors para sa mga Filipino migrant workers, meron din isang grupo ng Taiwanese students ang nagpakitang gilas sa kanilang modern dance na sinasabayan naman ng hiyawan ng mga manunuod.
Naimbitahan din sa ginanap na Workers Fun-Day ang grupo ng KENYO band at ang singer na si TRICIA GARCIA.
Ang Taipei-Manila Workers Fun-Day ay sa pangangasiwa ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).

2011年6月16日 星期四

“West Philippine Sea” Hindi “South China” 菲宣示主權 南海改稱「西菲律賓海」


  Manila-Sinabi ni Presidente Benigno Aquino nitong Lunes na pinapangalanan ang South China Sea bilang "West Philippine Sea", bilang tensions sa Beijing.
  Ang Pilipinas at China, kasama ang Brunei, Malaysia, Taiwan at Vietnam ay nakikipag kumpitensiya sa pag-angkin sa mga lugar ng South China Sea, higit sa lahat ay ang Spratly Islands na pinaniniwalaan na malawak sa langis at gas resources.
  Sinabi ni Edwin Lacierda ang tagapagsalita ng president, na ang ugnayang panlabas at tagapagtatanggol sa mga kagawaran ay nagsimula gamit ang katagang West Philippine Sea sa halip na ang South China Sea.
  "Ito ay sa kasalukuyang panunungkulan namin upang kunin mula sa kanila at upang isangguni sa South China Sea bilang West Philippine Sea," ang sabi ni Lacierda.
Kamakailan lang, inakusahan ng Pilipinas ang puwersa ng Intsik sa likod ng pitong insidente o confrontations sa mga Filipino fisherman sa paligid ng Spratlys.
  Ayon naman sa ambasador ng Intsik na si Liu Jianchao, ang naiulat na mga insidente ay "alingawngaw " lamang.
  Inihayag naman ng Taiwan na sa katapusan ng linggong ito ay pinaplano ang pagbalangkas upang palawakin ang missile boats sa South China Sea at tangke sa ibang mga isla.
  Sinabi naman ni Lacierda na ang pilipinas ay magdadagdag ng panlaban nito sa lugar "upang paganahin ang epektibong ronda at proteksyon ng aming pambansang teritoryo."

2011年6月12日 星期日

Araw Ng Kalayaan 菲國各處歡慶獨立紀念日



Ang mga Performers ay winawagayway ang watawat ng Pilipinas habang dinaraos ang selebrasyon ng Araw Ng Kalayaan sa Quirino grandstand sa Maynila nitong Hunyo 12, 2011.聆聽以拼音方式閱讀

字典
Araw ng Kalayaan noong Linggo (Manila time), June, 12, 2011. Si Presidente Benigno Aquino ay pinangunahan ang bansa gaya ng kaniyang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa seremonya ng ika-113th Araw Ng Kalayaan na Ginanap sa makasaysayang Emilio Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite province, timog ng Manila. Ang makasaysayang shrine ay isang national shrine ng Republika ng Pilipinas na kung saan ang kalayaan ng bansa mula sa Espanya ay ipinahayag noong ika-12 ng Hunyo 1898.

2011年6月10日 星期五

4 Na OFWs Sa Dubai, Dinukot 杜拜四名菲籍移工遭綁架

Dinukot ng mga hindi kilalang kalalakihan ang apat na overseas Filipino workers sa bansang Dubai. Ayon sa chapter ng alyansa ng Filipino migrants’ rights group sa United Arab Emirates (UAE) natanggap nila ang impormasyon hinggil sa pangyayari ay nagbuhat sa isang kaibigan ng isa sa mga biktima na lumapit at humingi ng tulong.
Dahil sa pangyayaring ito, inalerto ni Nhel Morona, Migrante-UAE secretary general si PHL consulate general Adelio Cruz kaugnay sa pagdukot sa 4 na OFW.
Ayon sa ulat ang apat na OFWs ay nagtatrabaho bilang domestic workers sa Dubai at sapilitan umanong isinakay ng apat na hindi nakilalang kalalakihan sa isang kotseng Mercedes Benz sa Bur Dubai Bus station.
Humihingi naman ng agarang tulong ang OFW na si Jimmy Jacob, ang kaibi­gan ng isa sa apat na domestic helper sa Migrante-UAE para matunton ang pagdukot sa apat na OFW.
Kinilala naman ang tatlo sa apat na OFWs na sina Shirley Valladores; Laga Hata Kornel; Narcisa Suno at ang isa ay isa umanong runaway DH. 

Pinoy Sa China Ligtas Na Sa Bitay 中國菲籍毒犯改判有期徒刑

Nagkaroon na ng pag-asang makauwi ng buhay at makapiling ang mga mahal sa buhay ang isang Pilipino na hinatulan ng kamatayan sa kasong drug trafficking sa China dahil sa ipinakitang magandang asal mula nang mabilanggo noong taong 2008.
Bibitayin na sana noong isang taon si Richard Bianan, tubong Cotabato, subalit sa magandang asal na kanyang ipinakita habang nasa loob ng kulungan ay ipinagpaliban ng dalawang taon ng Republic of China ang hatol sa kanya.
Sa ulat ni Cotabato Congresswoman Nancy Catamco, ang kongresistang tumutulong kay Bianan, ibinaba na ng hukuman sa 15-taong pagkakabilanggo ang ginawad sa dating Overseas Filipino Worker dahil sa kabutihang ipinakikita habang nasa loob ng piitan.
Wala namang mapagsidlan sa tuwa at labis na kasiyahan si Bianan nang makarating sa kanyang kaalaman ang mga tulong na ibinibigay sa kanya ng kongresista at ng Department of Foreign Affairs.
Ayon sa rekord, nadakip si Bianan noong 2008 matapos na ito ay mahulihan ng 91 kapsula ng heroin na may kabuuang timbang na 1,009.3 gramo kung kaya ito ay nahatulan ng kamatayan.
Ayon naman kay Foreign Affairs Undersecretary Esteban Conejos Jr. Malaki ang posibilidad na maibaba sa 15-taong pagkabilanggo ang naunang hatol ng korte sa OFW.