Tinanggal na sa mga supermarkets sa metro manila ang mahigit sa isang libong piraso ng produktong inumin at pagkain na buhat sa Taiwan.
Ito'y matapos ihayag ng Food and Drug Administration na may kontaminado ng DEHP o (2-ethylhexyl) phthalate ang ilang sports drinks, fruit juice at jellies.
Ang DEHP ay isang kemikal na ginagamit na panangkap sa paggawa ng plastic na ginamit din sa mga produkto sa halip na palm oil.
Meron ng listahan ng mga brands ang Department of Health galing sa Taiwan Economic and Cultural Office (TECO) kaya lang ay kailangan pa raw itong i-translate dahil nakasulat ito sa Chinese.
Sa pag-aaral ng Food and Drug Administration, nalaman na ang kemikal na DEHP ay posibleng makasama sa buntis at magkaroon ng kanser at sakit sa bato.
Ang FDA ay gumagamit ng high performance liquid chromatograph upang masuring mabuti kung ang produkto ay may DEHP. Tinatayang halos 3 linggo ito bago malaman ang resulta ng laboratory test.
Ang grupong Ecowaste Coalition ay nananawagan naman sa mga negosyante sa Binondo, Manila na ihinto muna ang pagbebenta ng mga produktong galing Taiwan.
0 意見:
張貼留言