2011年6月10日 星期五

Pension Ng SSS Members Posibleng Madagdagan 勞工退休金額度將上升

Malamang na madagdagan ang dating tinatanggap na pension ng mga miyembo ng Social Security System (SSS) kapag naipasa na ang panukalang batas na inakda nina Bayan Muna Reps. Teddy Casiño at Neri Javier Colmenares.
Ito ay layunin ng House Bill 4365 na madagdagan pa ang natatanggap na kasalukuyang P1,200 hanggang P2,400 na buwanang pension ng mga miyembro ng SSS at gawing P7,000 na ito.
Sa kasalukuyang batas, ang mga miyembor ng SSS na nagreretiro na sa kanilang mga trabaho ay tumatanggap lamang ng P1,200 kung umabot ng 10 taon ang paghuhulog sa kontribusyon at P2,400 naman ang matatanggap kung umabot na ng 20 taon ang kanilang paghuhulog bago pa magretiro sa edad na 65 years old.
Ayon sa dalawang mambabatas umaasa sila na maipapasa kaagad ang panukalang batas.
Masyado umanong maliit ang kasalukuyang pension na natatanggap ng mga miyembro ng SSS para tugunan ang kanilang mga pang araw-araw na  pangangailangan lalo na ngayong walang humpay ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

0 意見:

張貼留言