Diktasyon ni: Boyet
Sa panulat ni: Edec
口述/Boyet
整理/趙米蒂
Isa lamang si Boyet mula sa bongabon nueva ecija sa libo libong Pilipino na nagtatrabaho dito sa Taiwan, isa lang ang hinahangad niya sa kanyang pangingibang bansa, ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya.
Dumating si Boyet noong January 4, 2008 at nagtatrabaho bilang factory worker sa isang kumpanya ng cellphone na pag aari ng hapon. Sa unang araw niya sa kumpanya madali niyang nagagawa ang kanyang trabaho dahil meron ding Pilipinong nagtuturo sa kanya. Di nagtagal nag ooperate na siya ng isang machine at halos araw araw siya ay nag-oovertime sa kagustuhan niyang makapagpadala ng malaki sa kanyang asawa na nasa Pilipinas.
Dumating ang araw ng una niyang sweldo at tuwang tuwa siya sa nakita niya sa kanyang payslip, mahigit 34,000NT ang kanyang kinita kasama na doon ang kanyang pag-oovertime. Nasabi niya sa kanyang sarili kung laging ganito buwan buwan ang kanyang matatanggap mabilis siyang makapagpapagawa ng sarili nilang bahay ng kanyang asawa.
Kaya naman Masaya at inspirado si Boyet na magtrabaho kahit isang beses na lang sa isang buwan kung siya ay magday off. Kung siya nga naman ay regular na magde day off maglilibot sa down town at magkakagastos pa. Iniisip niya na huwag na lang para makatipid siya at makaipon ng husto para sa mga pangarap niya.
Inaamin ni Boyet na minsan naaakit siyang bumili kapag napapasyal siya sa electronic store na pangarap din ng karamihan na magkaroon ng ganung bagay, pero pinipigil niya ang kanyang sarili at magtiis na lang maaari naman daw siyang makabili ng mga ganung bagay basta huwag lang magbabago o liliit ang kanyang sweldo.
Sa ngayon ay matatapos na ni Boyet ang ikatlong taon niya dito sa Taiwan at ang pangarap niyang magkaroon ng sariling bahay ay natupad na. pangarap din ni boyet na kapag natapos niya ang tatlong taon ay magnenegosyo siya sa Pilipinas hindi dahil sa ayaw na niyang bumalik dito sa Taiwan kundi baka hindi na siya makatagpo ng katulad ng kanyang kumpanyang napasukan.
Isa lang si Boyet sa mapalad na natupad ang pangarap sa buhay, marami sa ating OFW ang umuwing bigo o walang naipon buhat sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa. Ang iba may uwing konting halaga makaraan ang ilang buwan naubos ang pinaghirapan nagastos sa walang kapararakan.
Sana matuto tayong mag-ipon sa ating pinagtrabahuhan hindi lang sa ating sarili kundi para na rin sa ating pamilya. Langit ang pangarap ng iba nating kababayan na makarating ng ibang bansa kaya kung magiging laspag tayo sa ating mga pinaghirapan walang kinabukasan di ba! Basta’t lagi nyong tandaan, ‘Mag ipon at ika’y Magkakaroon!
0 意見:
張貼留言