Malamang na mawalan na ng trabaho ang may 350,000 overseas Filipino workers na nasa Saudi Arabia matapos ihayag ng Labor Ministry ng Saudi na hindi na maaaring ire-renew pa ang mga kontrata o employment contract ng mga dayuhang manggagawa kasama na ang milyong Pilipinong manggagawa na nagtatrabaho at nanatili sa Saudi ng anim na taon.
Ayon kay John Leonard Monterona, regional coordinator ng Migrante-Middle East, napaka seryosong usapin ang bagong patakaran ng Saudi sa mga manggagawang dayuhan na kung saan prayoridad nila ngayon na mabigyan ng trabaho ang mga Saudi nationals.
Sa ilalim ng Saudization ay kailangang tumanggap ng mga empleyado o manggagawang Saudi nationals ang mga foreign investors, private at locally na nagmamay-ari ng mga kumpanya sa Saudi.
Ang Saudization ang nagbibigay ng prayoridad sa mamamayan ng Saudi nationals na walang trabaho ay nabigong ipatupad ng Saudi Labor Ministry makaraan na maisabatas ito 5 taon na ang nakalilipas.
Umaabot ng hanggang 10 milyong dayuhang manggagawa ang nasa Saudi at ang Pilipinas ang may pinakamaraming manggagawa doon na pumapangalawa ang Pakistan, Bangladesh at iba pang bansa.
Nag-uumpisa na ring ipatupad sa Japan at Korea ang paglilimitasyon sa pagtanggap ng mga manggagawang Pinoy at iba pang dayuhang manggagawa.
0 意見:
張貼留言