2011年5月9日 星期一

Pinoy, patay sa sumabog na fishing vessel sa Taiwan 菲籍船員死於漁船爆炸

  Namatay kaagad ang isang tripu­lanteng Pinoy habang ang isa pa ay napag-alaman na nawawala matapos su­mabog ang sinasakyan nitong Taiwanese fishing vessel sa Timog-Kanluran ng Atlantic Ocean kamakalawa.
  Sa kasalukuyan, inaalam pa ng Department of Foreign Affairs ang pagkikilanlan ng nga Pinoy na nasawi sa sumabog na sinasakyan.
  Napag-alaman na may wa­long tripulanteng Pinoy ang lulan ng fishing vessel na Lai Ching nang mangyari ang pagsa­bog bandang alas-11:40 ng umaga.
  Ayon sa ulat Lima umano sa wa­long Pinoy ang nasu­gatan. Ma­liban sa mga Pinoy, kasama rin sa crew ng fishing vessel ang ilang Taiwanese, Vietnamese, Indonesian, at Chinese.
  Iniimbistigahan pa ng mga awtoridad kung ano ang naging sanhi ng pagsabog ng naturang fishing vessel.

0 意見:

張貼留言