Sa panulat ni: Li, Yueh- Hsuan
Isinalin sa Tagalog ni: Tessa
文/李岳軒
翻譯/程榮鳳(Tessa)
Ang Taiwan International Migrants Mission Center ay matatagpuan sa Kaohsiung NEPZ Area, Dershien Road na madalas ay tawaging pinaliit na Manila.
Ang mga migranteng manggagawa ay nahaharap sa mga mahihirap na sitwasyon. Isa sa mga pangunahing dahilan nito ay ang pagkuha sa kanila ng mga empleyado ng may kababaan ang sahod upang matugunan ang pangangailangan ng kumpanya at ang iba nama’y tagapag-alaga ng matatanda o kaya’y maysakit na kaanak ng mga Taiwanese. Subalit hindi napapangalagaan ng kanilang Amo ang pangangailangan ng mga kinuhang empleyado kung kaya’t ipinapasa na lamang nila ito sa kamay ng mga brokers. Ang mga brokers na ito ang siyang nagiging makapangyarihan at siyang kumokontrol ng bawat manggagawa. Halimbawa na lamang nito ay ang hindi pagkakaroon ng stay-out at ang pagtira sa isang napakasikip na dormitory na kung saan ay obligado silang sumunod sa mga hindi makatarungang patakaran at alituntunin nito. Mayroon ding mahigit sa isang libong care-giver ang hanggang ngayon ay hindi pinapayagang magday-off kahit na isang araw.
Maaaring ganun na lamang ang takot ng mga migranteng manggagawa sapagkat ang katapat ng bawat pagsuway ay warning letter o kung hindi naman kaya’y ang diretsong pagpapauwi sa sarili nilang bayan. Ito rin mismo ang ipinapanakot ng mga broker upang hindi sila lubusang lumalaban para sa kanilang mga karapatan. Dahilan sa mga ito’y lalong sumasama ang sistema ng kanilang pamamalakad.
Ang TIMM ay patuloy na nakikipagtalastasan sa ibang mga NGO upang makipag-ugnayan sa gobyerno at maipaglaban ang karapatan ng mga migranteng manggagawa. Hindi lamang upang ipaglaban ang kanilang karapatan, kami rin ay naglaan ng mapaglilibangan. Sa loob ng Center, maaari silang mag-aral tumugtog, sumayaw at makihalu-bilo sa ibang tao. Mayroon ding Sunday Service tuwing linggo at iba pang activities gaya ng panonood ng pelikula, pagtitipon o pagsasalu-salo at maaari din naman ang pag-aaral o pagsasanay. Sa mga espesyal na pagtitipon kagaya ng Pasko at Muling Pagkabuhay, ang mga migranteng manggagawa ay hindi lamang ganap na nagpapakita ng talento kundi nahuhubog rin ang kanilang personalidad sa pamamagitan ng pakikipagkapwa. Sa mga bagong imigrante naman na nakapag-asawa ng mga Taiwanese, pinaniniwalaang sa pamamagitan ng mga ganitong pagtitipon, magkakaroon ng pagkakataon ang kanilang asawang Taiwanese na kilalanin ang kaugalian nila at ito’y makapagdudulot ng pagkakaisa at pagkakasundo sa sariling pamilya at maging sa komunidad.
Ayon kay Tessa Cheng (tagapangasiwa sa TIMM),ang kapisanan ng Taiwan ay hindi pa lubusang handa sa pagtanggap sa mga migranteng manggagawa at kung papano sila matututo panimula sa sistema ng batas. Kaya sa tuwing sila’y ating nagugunita ang tangi nating nasasaisip ay pawang mga negatibo lamang at sila’y ating inihahalintulad sa mahihirap, mamamatay tao, at pabigat sa lipunan.”Halimbawa may isang pangyayari na kung saan nawalan ng isang bagay ang isang naninirahan sa loob ng aming gusali napakadali silang pagbintangan agad nang hindi man lamang inaalam ang katotohanan.” Sinusukat natin ang halaga ng kanilang pagkatao sa pamamagitan ng perang kanilang kinikita at sa kalagayan ng kanilang bayan at ekonomiya para madesisyunan kung sila’y nararapat pagkakalooban ng karapatan o hindi. Idagdag pa ang Taiwan Media na may kakulangan sa pangmalawakang pananaw. Sa totoo lang, nagdudulot ito ng kawalan ng karunungan sa mamamayan ng bayan kaya lumalala ang diskriminasyon sa mga migranteng manggagawa.
Sa kadahilanang ito, sinikap naming mahikayat ang mga Pilipino sapagkat amin silang nauunawaan at hindi rin lingid sa aming kaalaman kung gaano nila kamahal ang basketball. Sinimulan naming magpaliga sa tulong na rin ng Taiwan Local Basketball League upang magkaroon ng pagkakataon na makasalamuha ang mga Taiwanese. Pagkaraan ng mahaba-habang paglalaro, napag-alaman ng mga Taiwanese na masarap naman palang kasama ang mga Pilipino at napagkakamalan pang sila’y naglalaro bilang International.
Si Tessa ay tumira sa Pilipinas ng humigit sa apat na taon, minsan din siyang naging dayuhan kaya lubos niyang naiintindihan ang tunay na kalagayan at pagpapasakit sa mga dayuhang manggagawa pagbalik niya rito sa Taiwan. May mga pagkakataong nakakakita siya ng mga Pilipinong umiiyak sa Park dahil sa pang-aabuso ng mga Amo, kaya’t hindi na siya nagdalawang-isip na simulan ang pagtatayo ng misyon na tumutulong sa mga naaaping manggagawa. Pagkaraan ng maraming taong pagtatrabaho sa Stella Mariz Center International nagkaroon siya ng pagkakataong itatag ang Taiwan International Migrants Mission. Ang pangunahing layunin ng TIMM ay matulungan ang mga migrante at immigranteng manggagawa na makamtan nila ang kapangyarihan at kumpiyansa sa sarili upang mapabuti ang kalagayan ng kanilang pamumuhay kahit pa sila’y isang dayuhan lamang.
Layunin ng pamahalaan ng Taiwan na pagtibayin ang pagpapalaganap sa mga immigrante upang maging isang ganap na Taiwanese at kabilang dito ang pagtalikod nila sa kanilang magagandang karanasan. Kung pagbubulayan, malaki ang kontribusyon ng mga manggagawa sa atin, isa na rito ang mga kapatiran na nagkusang-loob na tumulong upang maisalin sa wikang Tagalog ang dyaryong ito. Sa pamamagitan nila, naisalin ni Tessa ang kanyang pananaw. Pinupunan nila ang pangangailangan ng mga kumpanya maging ito man ay ang pinakamababang antas ng trabaho. Kaya nga, nararapat lamang na ituring natin sila bilang pinakamahalagang ari-arian upang maging ganap ang pag-angat ng ating bayan.
「台灣國際移民培力協會」位於高雄楠梓加工區旁,有「小馬尼拉」之稱的德賢路上。
協會秘書長程榮鳳(Tessa)認為,現今移工面臨的諸多困境,原因之一在於許多雇主只想低價聘外勞,滿足公司生產線或家庭病老婦孺之需要,卻不願面對照顧之責,使仲介公司掌握管理大權,進而衍生諸多不合理對待。例如,廠工至今仍無法外宿,必須住在毫無品質可言的狹窄宿舍裡,遵守苛刻的規定,更有許多家庭監護工至今仍無休假的權利。只要違反規定,輕則警告,重則提前遣返,這種以工作權為要脅的恐怖統治,使移工多半不敢出面抗爭,造就仲介公司更加拔扈的惡性循環。
目前協會與其他NGO團體仍不斷透過會議、遊行、抗爭等方式,致力推動政府訂定保護移工移民權益之相關法令。
不過在硬碰硬的抗爭外,協會也有柔軟的一面。除了提供玩音樂、跳舞、交誼聚會的活動空間外,也利用每週日舉辦聚餐、出遊、電影欣賞或勞工教育訓練等活動,每逢聖誕節、復活節等重要節日,大型慶祝活動更不能少。不僅移工移民有一展才藝的機會,也藉機培養她們自助助人的精神。除此之外,移民姊妹的台灣老公們透過參與其中,也能認識妻子的母國文化,為台灣社會帶來更多的和諧與能量。
Tessa說,台灣從法令制度到社會教育,一直沒有相對的配套措施來迎接這群外來客,移工移民被邊緣化或汙名化的事件時有所聞,有時大眾更將之與貧窮、低等、罪犯、社會負擔劃上等號。「甚至連大樓裡的腳踏車失竊,也立刻懷疑是協會裏的外勞偷的,幸好後來證實是誤會一場。」她感慨,台灣社會以金錢多寡來衡量人品、以國家貧富決定國民人權的趨勢,造成太多的偏見,加上台灣媒體的國際觀不足,使民眾缺乏對其它國家的認識,進而產生歧視。
正因如此,協會常主動出擊與周邊社區互動。由於菲律賓人熱愛籃球,她便邀請當地的里民球隊與菲籍移工球隊比賽。「有些人跟菲律賓朋友打完球後,才發現他們是一群可愛的人,甚至有些人聞風而來觀賞『國際籃球賽』。」楠梓區是外籍朋友相當多的地方,但當地居民對他們的接受度還有待努力。
Tessa曾在菲律賓生活4年,也許因自己曾身處異鄉,特別能感受異鄉人之苦。多年前初回台時,在公園裡遇見一位哭泣的菲律賓外勞,才逐漸了解外勞在台灣遭受的種種不公平,於是一頭栽進這場戰鬥。她數年前任職於天主教海星國際服務中心,為異鄉人打抱不平,2010年2月,始創立「台灣國際移民培力協會」,取名「培力」,意思很明顯,就是希望培養移工移民爭取自身權益的勇氣與力量。
「政府至今還是用被動的輔導方式,希望這些新移民融入台灣社會,要把他們變成台灣人。其實反過來想,這些姊妹們帶著他們原有的文化資產前來,豐富我們的社會,絕對是日後的寶貴資源。」因此她時常帶著姊妹們擔任《四方報》的翻譯志工,磨練中文與Tagalog的翻譯技巧。在Tessa的眼裡,這些姊妹不僅填補台灣勞動界最底層的需求,更是台灣面向世界的優秀前鋒。
Kinaroroonan at Telepono:
Add:3F-8, No.26, Lane 380, Dershien Rd., Nantze Dist., Kaohsiung City
Telepono: (07)368-4656
Telefax: (07)368-4657
協會地址:高雄市楠梓區德賢路380巷26號3樓之8
協會電話:(07)368–4656
協會傳真 : (07 ) 368-4657