2011年4月30日 星期六

Paano Pagbutihin Ang Mga Kaugalian Ng Mga Bata Na Panunumpa Sa Mga Gawi? 如何改善小孩說髒話的習慣?

出處:親子天下
Pinanggagalingan: Magulang-Bata ng Mundo

翻譯/許密麗安
PagsasalinMeriam

作者╱王意中 (心理治療所臨床心理師)
Sagot: Wang Yi Chung ay isang doktor ng saykayatrista
  
Ang panunumpa, may magic para sa mga bata: madaling unawain, malakas, nakakahawa ang damdamin, masaya, at pagiging mapansin. Pero halos ay patuloy na maipon ay negatibong enerhiya nang hindi man nila ito namamalayan.
Sa karagdagan ang mga may edad na ay hindi tama ang panunumpa sa kanyang sarili, ang pagbabahagi ng epektibong mga pagpapabuti sa mga sumusunod na apat na paraan:
Una, Hanapin ang negatibong emosyon. Ang panunumpa sa likod ng mga paumanhin ay madalas galit, galit o hinagpis sa iba pang negatibong emosyon, kapag ang bata ay dumating sa panunumpa, ang una ay hindi sa madaliin na lugar na tama o sisihin, subukan sa kasalukuyan ang mga parehong paraan batang damdamin karanasan ng emosyonal na kaganapan, tulad ng: “ Kaibigan hindi sa pakiramdam pagsunod sa mga patakaran ng laro ay dahilan para sa tingin mo nagagalit, bakit sinasabi nila masamang salita.”
Pangalawa, Alam mo ba ang mga sinasabi? Mga batang nanunumpa, nalalaman, at palihim ay madalas na may kaugnayan sa sekswal na organo o aktibidad na sekswal, sa karagdagan sa pakikinig ng mga partido ay mahiyain, hindi komportable, naapi, na ang mga tao na maaaring hindi alam kung ano ang kanilang pakikipag-usap sa katungkolan. Kapag ang isang bata ay maigsi at mapataas sa masamang wika, maaari mong subukan ang unang tanong: “Ano ang ibig mong sabihin alam mo XXX?” Saloobin pagkatapos ito ay kalikasan sa mga estudyante na ang mga salitang ito sa positibong kahulugan ng kasarian ng edukasyon.
Ikatlo, Ang paggamit ng mga pagbabagong-anyo salita kagilagilalas. Ang mukha ng mga bata sa panunumpa, ang mga magulang ay maaaring humiling sa ikalawang pinakamahusay na mga karapat dapat para sa mga bata o sa iba pang mga mabuting salita upang palitan ang mga ito sa pagkawalang-galang. Halimbawa: “Ikaw ay ang bituin, buwan, araw, o.” “Ikaw ay Benus, Marte, Hupiter,” mabata sinusubukan upang gumawa ng mga karaniwang tao ang mga salita sa lupa ay unti mawala..
Ikaapat, Masamang wika sa panginoon ang pagpanumpa. Mga bata na mahilig sa panunumpa, kung minsan ay isang kasarilihang kamalayan at pagpipigil sa sarili. Maaari mong ipagtatangka sa papel na ginagampanang naglalaro, kunwa masanay para sa mga anak sa buhay ng isang karaniwang pag-uusap. Sa CD na proseso, ang mga bata na nais na maibulalas sa masamang wika, dapat ikaw ay maaaring maging sariling kamalayan, pagsasanay at pagpipigil sa sarili na taong pipi sa halip.

說髒話,對於小孩來說存在著魔力:簡潔、有力量、傳染情緒、好玩、被注意。但無形中卻不斷蓄積負向能量而不自覺。除了大人本身不脫口說髒話外,分享下列4個有效的改善方法:
一、發現負面情緒。髒話背後往往蘊藏著生氣、憤怒或不滿等負向情緒,當小孩脫口說髒話,先不要急著當場糾正或指責,試著同理小孩當下經驗的事件與感受的情緒,例如:「覺得朋友不遵守遊戲規則讓你感到憤怒,所以才說髒話。」
二、你知道在說什麼嗎?小孩說髒話,內容往往與私密的性器官或性行為有關,除了讓聽的一方感到羞澀、不自在、被冒犯,說的人不見得知道自己在說什麼。當小孩又冒出髒話,您可試著先探詢:「知道XXX是什麼意思嗎?」再以很自然的態度,向學生說明這些字詞在兩性教育上的正向意涵。
三、使用美妙的轉換字。面對小孩說髒話,父母可退而求其次的要求小孩,必須以其他美好的字詞來代替這些不雅的字眼。例如:「你很星星、月亮、太陽耶。」、 「你很金星、火星、木星耶。」試著讓粗鄙不堪的字眼在地球上逐漸消失。
四、掌握髒話消音器。小孩說髒話,有時涉及一種自我覺察與自我控制。你可以嘗試透過角色扮演,讓小孩模擬演練在生活中常見的對話。唯過程中,小孩欲脫口說出髒話時,必須能夠先自我覺察,練習自我控制以消音替代。

2011年4月25日 星期一

Ang Mga Dayuhang Asawa: Ang Sandigan Ng Taiwan Sa Mga Darating Pang Mga Panahon. 外籍新娘,未來一百年台灣競爭力的基礎

陳穎青
Isinulat ni Chen, Ying-Ching

Ang mga dayuhang asawa kabilang na dito ang mga nanggaling sa mainland China ang kasalukuyang pinagbubuntungan ng sisi dahil pinapababa nila ang dignidad ng ating lipunan lalu na ng kanilang mga anak sapagkat hindi sila natuto ng mahusay na komunikasyon at nakakahadlang sa makabagong henerasyon ng Taiwan. Kung kaya’t ang mahuhusay na Taiwanese ay nadudungisan dahil na rin sa mga dayuhang asawa.
Paano na yan? Ang ilang tao ay ginagamit ang kanilang puwersa ukol sa pamantayan ng matuwid na kaugalian upang ipagdiinan ang pangmalawakang karapatang pantao at umaaasang mabago ang ganitong klase ng takbo ng pag-iisip na ang mga dayuhang nobya ay tao rin at sila ang ina ng henerasyon ng ating mga kabataan o kung tawagi’y MGA ANAK NG MAKABAGONG TAIWAN. Nararapat lamang na ang mga kababaihang ito ay tulungan at turuan kung papaano makibagay sa ibang mga Taiwanese. Sa simula pa lamang ng kanilang pagdating, nararapat lamang na sila ay makisali sa kung anong buhay mayroon dito nang sa gayon ay malimot na nila ang kanilang pinanggalingan at maging ganap na mamamayang Taiwan.    
Ang ganitong dalawang (2) uri ng kaugalian ay patindi nang patindi ang paglala. Sa kabilang banda, ang ganitong kaisipan ay isang diskriminasyon. Atin silang inilalagay sa pangalawang antas ng mamamayan. Tayo ay nagmamayabang at nagmamadaling sila’y baguhin kabilang na rito ang pagbabago sa kanilang sariling wika, kultura, tradisyon at kanilang buong pagkatao sa loob at sa labas. Maging kung sila ay nasa kanilang sariling tahanan, dapat lamang na baguhin nila ang kanilang paraan ng pananamit, pagluluto at pagkain. Sa madaling salita, nararapat lamang nilang isuko ang lahat sa atin upang sa gayon ay maging katulad natin sila.  
Pangkaraniwan na lamang ang diskriminasyon sa mga taga labas ay talamak kung sisilipin natin ang ibang lugar. Napakaraming halimbawa nito sa ating kasaysayan. Lagi nating kinalilimutan ang mga aral ng kasaysayan. Ang Taiwan ay naging masagana dahil sa mga migrante. Kung ating kalilimutan kung paano tayo nakaahon sa nakaraan, magkakaroon pa kaya tayo ng oportunidad? Magkakaroon pa ba tayo ng pagkakataong umunlad sa darating pang panahon? .
Sa nagdaang apat na raang (400) taon o maaari mong sabihing sa halos sampung libong (10,000) taon, ang Taiwan ay lagi na lamang pangarap na lupain ng bawat nakikipamayan. Bawat henerasyon, may mga taong nililisan ang kanilang bayang sinilangan at tumatawid ng dagat upang dumako at manirahan sa ganitong kagandang lupain. Ang lupain ding ito ang nagbibigay ng kinakailangan ng tao, anuman ang kanilang lahi ng walang diskriminasyon at pagsisi. Bakit? Bakit hindi natin itanong sa ating mga sarili kung bakit natin hinayaang umusbong ang diskriminasyon sa ating lupain?
Samakatuwid, sa darating pang mga daang taon, naniniwala ako na ang lakas-manggagawa(manpower) at ang puwersa ng Taiwan ay nakasalalay sa mga dayuhang asawa.
Hindi ka naniniwala sa akin? Tingnan natin ang mga dote ng mga dayuhang nobya. Dote? Anong akala mo sa akin, nasisiraan na ng ulo? Karamihan sa kanila ay binili. Nasaan ang kanilang dote? Kung ang titingnan lamang ng iyong mga mata ay salapi at kagamitan, talaga nga namang hindi mo makikita. Kung atin lamang isasantabi ang mga ganitong bagay sa ating paningin, pakiusap lang, pag-isipan mo ito. Ang bawat dayuhang asawa ay nag-asawa na kahit wala ng mga ganoong mga bagay ngunit mayroon silang dala-dala na hindi maaaring mahiwalay sa kanila na higit pa sa iniisip nating dote. Ano kaya yon?
Iyon ay ang mahigit sa napakaraming taon na kultura at alaala ng kanilang inang sinilangan.
Ang akala mo ba ay makakamit lamang ang kultura sa antas, sa diploma at sa pag-aaral sa loob ng paaralan? Natural hindi. Ang bawat dayuhang asawa ay mahusay sa pagsasalita ng kanilang sariling wika, may mga alaala mula pagkabata, mga laro, sariling pananamit, mga alamat, mga awitin, paraan ng pagluluto, pagkain, mga talambuhay at higit sa lahat sila ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng kanilang pamilya at ang tulay na ito ang nagdudugtong sa dalawang magkaibang pamilya upang bumuo ng isang relasyong kailanman ay hindi maaaring putulin.
Ang ating bagong henerasyon, ang mga anak ng makabagong Taiwan, sa darating na panahon ay madali nilang masasabing ang lupain ng aking mga ninuno ay sa Singapore, sa China, sa Ho Chi Ming, sa Malaysia, sa Tsa Li Mang Tan.
Kung ating hahayaan ang ating mga anak na matutunan ang kanilang inang wika, pagkatapos ang isang henerasyon, ang Taiwan ay makakaroon ng isang kumpol ng mga taong may kakayahang makapagsalita sa iba’t ibang wika na maaaring makipag-usap sa lahat ng mga nasa Timog-silangang Asya at maging mga taong puno ng kakayahan. Sa loob lamang ng isang henerasyon ay magkakaroon tayo ng libu-libong taong Vietnamese, Thai, Tagalog, Malay, Indo, Tsu-twan, Hou-nan….. at bukod pa dito, ang ugat nito ay galing sa kanilang tunay na lupain. Sila ang kinabukasan ng bagong henerasyon sa Taiwan.   
Sila ang magdudulot ng napakalakas na koneksyon ng relasyon sa pagitan ng Taiwan at sa buong Timog-silangan Asya. Gaano kalakas ang mga koneksyon? Sa ekonomiya, politika at komunikasyon? Hindi mo malalaman kung gaano dadami ang mga ganoong kultura at kung sa ilang henerasyon ito tatagal. Makakaimpluwensya ito sa Taiwan. Sinong nakakaalam?
Ang lahat ng mga dayuhang asawa, kabilang ang mga taga mainland China, sila ang pinakamahalagang kayamanan ng Taiwan. Hindi lamang dapat silang ipagmalaki ng Taiwan bagkus nararapat lamang na ipagmalaki sila ng kanilang sariling mga anak ng sa gayon ay magkaroon sila ng interes na pag-aralan ang bayang sinilangan ng kanilang ina patungkol sa mga kaugalian at kultura nito. Kung gaano natin nirerespeto ang mga bagong nakikipamayan galing sa iba’t ibang lupain, magkakaroon tayo ng isang maningning na kinabukasan. Ang tanging katanungan lamang ay kung natatanaw na ba natin ito? Sapat na ba ang ating natatanaw?
Ang mga bagay na nakikita natin ay maaari nating sunggaban. Maaaring sa ngayon ang tingin natin ay walang halaga ito sa darating na dalawampung (20) taon subalit paano kaya sa darating na isang daang (100) taon. Mangyayari kaya ito? Nakikita ba natin ang pagkakataon?

外籍(包括大陸)新娘如今成為台灣沙文主義者怪罪的對象了──她們拖垮了我們的社會,拖垮了我們的下一代,製造了遲緩兒,讓「新台灣之子」語文程度低落,人際關係發展緩慢,優秀的「台灣人」快要被外籍新娘的混種給污染掉了。
怎麼辦呢?有人用道德勸說,呼喊人權的普世價值,希望能扭轉觀念:外籍新娘也是人,還是我們新台灣之子的親娘,我們要幫助她們,教育她們,讓她們盡早融入台灣社會,努力消弭她們非我族類的不良出身。
這兩種態度其實一樣糟糕,因為背後都帶著種族歧視的姿態。我們先預設了外籍新娘是次等的,然後又盲目地自大,要求既然來到這塊土地,就要無條件被我們同化,她們必須放棄語言,放棄文化,從心靈開始改造,完全臣服。她們不敢提起自己的文化淵源,連穿起故鄉最隆重的禮服,也要被公然斥喝,連想起自己是外來者都覺得可恥。

當然歧視外來者的例子,國際上多得是,從納粹黨到一族黨,古今中外,數不勝數,但我們似乎忘了,台灣是因為移民而興盛富強的國家。如果我們忘了自己是如何走過的,歷史還會給我們繼續發展的機遇嗎?
四百年來(或者說一萬年來),台灣原本就是移民者的夢土,每個時代都有人離鄉背井,遠度重洋來到美麗的寶島討生活。這一片土地供養了無數子民,無差別,無怨尤,也無歧視。為什麼我們反而自己在這裡製造種族歧視的罪惡呢?
事實上未來一百年,台灣的核心競爭力,就寄託在今天的外籍新娘身上啊。
不信嗎?我們不妨看看這些外籍新娘帶來的嫁妝。嫁妝?你覺得我頭殼壞去嗎?她們大部分都是台灣人花錢娶過來的,哪來的嫁妝?

如果眼中只看得到金錢和財貨,我們自然看不到什麼嫁妝;可是我們的眼光別只放在那些三件五件的東西上吧。請想一想,即使每個外籍新娘身無長物地嫁入門來,她們隨身都帶著一種無法分割,無法剝奪,也無法洗劫的財富,遠比任何物質嫁妝都貴重。那是什麼?
那就是她們幾十年母國文化的薰陶與記憶。

你以為只有大學畢業、博士學位,在象牙塔中攻讀,才有辦法學得某個地方的文化嗎?當然不。每個外籍新娘身上都帶著當地流利的語言,帶著童年的友誼、兒時的遊戲、當地的生活禮俗、宗教記憶、鄉野傳說、流行歌曲、料理方法、神話典故,以及最重要的,一條繫線,讓無關聯的兩個家庭、兩個地方,建立了不可切割的血緣關聯。
未來我們新生代的台灣之子,可以很容易說出,我的外婆家在星洲、在東馬、在長沙、在胡志明市、在加里曼丹……
如果我們現在就讓這些新台灣之子,從小就學習他們真正的母語,真正的「媽媽說的話」(而不是所謂「鄉土語言」),那麼一個世代之後,台灣將會有一群最能夠跟整個大東亞,所有國家和地區辦交涉的多語人才。只要一個世代,我們就擁有幾萬個嫻熟越語、泰語、菲語、馬來語、印尼語、四川話、湖南話……,而且在當地有淵源、辦事有親族的台灣新生代。
他們將為台灣和整個東亞地區,建立多少有威力的關聯紐帶?這些紐帶將會帶來多少政治、經濟、文化的交流?如果這些異文化的激盪能夠持續幾個世代,台灣在漢字文化圈將會開出什麼樣的局面來,誰知道呢?
所有外籍以及大陸新娘,都是台灣最珍貴的財富,台灣社會不但要以她們為榮,也要讓她們的兒女以身為她們的兒女為榮,讓他們從小就明白母親的故鄉以及那裡一切的文化與風土。我們越尊重四方移來的多元文化,台灣的未來就越不可限量,唯一的難題只是,我們的眼光夠遠嗎?
我們看得到,並且抓得住,這個未來二十年沒有作用,但是未來一百年我們將倚仗的歷史機運嗎?

2011年4月21日 星期四

Stella Maris International Service Center, Kanlungan sa Kaohsiung 海星國際服務中心 異鄉的避風港


文/李岳軒
翻譯/趙文肯

Kaoshiung, ang pinakamalaking lungsod sa timog ng Taiwan. Habang parehong internasyonal na daungan at pang-industriya ay nangangailangan ng banyagang manggagawa, sinusundan ng mga alitan na madalas dahil sa pang-aabuso at pananakit sa mga problemang katulad nito, paano na ang mga banyagang mangagawa na nasa mababang posisyon. Sa kabutihang palad, sa ganitong banyagang lupain, mayroong isang grupo ng NGO na malugod na tumutulong sa banyagang mangagawa: ang Stella Maris International Service Center.

Mula sa seamen hangang sa mangagawa ay buong pusong tinutulungan ng grupong ito.

Ang Stella Maris International o Stella Maris International Seamen’s Center, ay itinatag noong 1968AD, sa tulong ni Fr. Jose Donahue.

Ang orihinal na Gawain ng grupong ito ay magbigay ng ligtas na pahingahan para sa mga sundalong dumating dito sa Taiwan. At sa pagbabalik ng mga sundalo sa Estados Unidos. Maraming banyagang seamen ang dumating sa kaoshiung. Sa Kalagitnaan ng 90’s, maraming dayuhang mangagawa ang dumating sa Taiwan, kaya pinalitan nila ang kanilang pangalan , at tinatag ang isang proteksyon para sa mga banyagang manggagawa.


Sinabi ni Fan Xuan Ying na mabilis bumigkas ng Intsik, isang tagapayo mula sa Vietnam. ”Ang mga banyagang mangagawang dumadating sa aming sentro ay nahahati sa dalawang kategorya. 1. Sa pamamagitan ng Counsil of Labor Affairs, ang mga taong ito ay naghihintay ng pagbabago ng trabaho. 2. Mga biktima ng pang-aabuso ng employer o may pinsala sa katawan, mga wala nang ibang matakbuhan at tumakas sa kanilang employer. Hindi pareparehas ang mga oras ng pagtuloy ng mga banyagang mangagawa na tumutuloy dito. Ang mga manggagawa na naghihintay”ng bagong employer o naghahandang bumalik sa kanilang bansa ay mananatili lamang ng isa o dalawang araw. Ang kaso ng mga alitan sa pag-gawa, pagpapahamak, pagbagsak ng kumpanya, pagmamaltrato, human trafficking, napinsala sa trabaho at iba pa, ay maaring manatili ng hanggang isang taon. Sa mga oras na nananatili sila sa sentrong ito, ang mga banyagang manggagawa ay protektado ng batas.

Para sa mga mangagawa na nangangailangang maghanap ng trabaho, gumagamit ang grupong ito ng ibat-ibang paraan para makatulong sa paghahanap ng isang bagong employer. Ang sabi ni Fan Xuan Ying ” aayusin namin upang magkaroon ng pagkakataong magtagpo at mag-usap ang mga employer at ang mga banyagang manggagawa.” At tanging kapag nagkasundo ang magkabilang panig bago pinapayagan magtrabaho ang mga manggagawa.

(Ang mga tumatakas o lumalayas na manggagawa na mula sa grupong ito ay nasa mababang sahod) at may naipon na mataas na reputasyon sa mga nakaraang taon. May mga ilang employer na direktang nakikipag-ugnayan sa sentrong ito.


Dahil sa walang limitasyon sa nasyonalidad ang tinatangap ng grupong ito, maraming kultura, wika, relihiyon, pandiyetang gawi. Tampuhan at hindi pagkakasundo ay tiyak na mangyayari. Kung paano pagkaisahin ang mga banyagang manggagawa na galing sa ibat ibang bansa, isa ito sa mga problema ng mga tagapagpayo. “Minsan kahit sa tanghalian ay nagkakaroon ng tampuhan dahil sa pagkakaiba ng panglasa” parang bilang yaya ng mga banyagang mangagawa ang trabaho ni Fan Xuan Ying, dahil kailangan nyang makinig sa tinig ng mga indibidwal na mangagawa. “minsan natatakot ako, dahil baka sabihin nila na mas tinutulungan ko ang mga taga Vietnam, o baka ang akala nila may nakakakuha ng espesyal na pangangalaga” nagbibirong sinabi ni Fan Xuan Ying habang tumatawa.

Ang lahat ng banyagang manggagawa na nananatili dito sa sentrong ito ay mga walang pagsasala sa batas. Kaya lamang pinipilit naming na gumising sila sa tamang oras at dapat silang tumulong sa mga simpleng trabaho, katulad ng paghahanda ng pagkain atbp. Malaya silang lumabas pasok sa mga sentro: at tanging mga nasa panganib at nasaktan na mangagawa ang hindi pinapayagang lumabas hangga’t maaari.

Upang maprotektahan ang kanilang personal na kaligtasan. Pero natatakot ang mga tagapayo na mainip ang mga manggagawa, kaya naghahanda sila ng barbecue, outing, talent shows at iba pang gawain, para sa kanilang pisikal at mental na relaxation, minsan meron din silang social networking. Natatawang sinabi ni Fan Xuan Ying “ang akala ng karamihan, ang mga banyagang manggagawa ay maari lamang gumawa ng mababang uri ng trabaho. Sa katunayan , marami sa kanila ay may talent sa musika, sining, literature atbp.” At ginamit nila ang mga personal na karanasan para gumawa ng isang teatro, ang mga nanunood ay naluha sa pagkatapos ng kanilang teatro.


Ang pagsisikap ay hindi panghihinayangan.

si Fan Xuan Ying ay isang College graduate sa Vietnam, nakilala niya ang kaniyang asawa nang siya ay nagtatrabaho sa kumpanya ng langis sa kanilang bansa. Dahil mahusay siya sa wikang Intsik, nagtrabaho siya bilang isang broker sa ahensya ng mga banyagang manggagawa. Umalis siya sa kumpanya at lumipat sa Stella Maris international, dahil hindi sya sumasang-ayon sa patakaran at gawain ng kumpanya. Katulad siya ng mga misyonero sa lupaing ito, dedikadong tumulong sa mga nangangailangan 24/7.ang sabi nya “bawat isang dayuhang manggagawa ay merong kaibig-ibig na katauhan, kaya ang pagtulong sa kanila, pag wala silang ibang matatakbuhan, ang mas kasiya-siya ko sa trabahong ito”

Pag bumisita ka sa boarding house ng grupong ito. Makikita mo na ang gusali mismo ay luma, maraming bitak sa pader, walang masyadong lugar para gumalaw. Ngunit sa nakaraang dekada naging tuluyan ito ng isang libo at pitong daan na banyagang manggagawa na walang matuluyan. Ang pader sa ikalawang palapag ay puno ng sinulat na utang na loob at kalungkutang pinagpasa-pasahan ng mga banyagang manggagawa na tumuloy dito. Ang Stella Maris International ang kanilang bahay sa lupaing banyaga na hindi nila kailan man malilimutan.

南台灣第一大城高雄市,同時兼具國際商港及工業區的性質,對於外籍勞工的需求更勝他處,隨之而來的就是時有所聞的勞資糾紛與傷害虐待;一旦發生這類問題,人生地不熟的外勞時常居於弱勢地位。幸虧在這異鄉港都,尚有一股來自NGO的力量願意伸出援手:海星國際服務中心。

從船員到勞工  關懷之心始終如一

海星國際服務中心原名海星海員服務中心由美籍神父約翰唐納胡(Fr. Joseph Donahue)於西元1968年創立。原是提供當時在台美軍一個安全的休憩場所,之後隨著美軍返國,轉而服務高雄港的外籍船員。90年代中期外籍勞工大量來台,中心經過改名及轉型後,成為收容外籍勞工的庇護所。

講的一口流利中文、來自越南的輔導管理員范玄英說,來到中心的外勞分為兩類,一類是由勞委會委託、在此等待轉換雇主;另一類則為遭受雇主虐待或傷害、求助無門而自行脫逃前來。外勞在此居留的時間不一,若單純轉換雇主或等待回國,大多僅停留12天;若為勞資糾紛、惡性倒閉、不當對待、人口販運、工作傷害等情況,則留居較久,甚至長達1年。在留居的時間內,所有外勞都能獲得法律及安全上的庇護。

對於尚有求職需求的外勞,中心會透過各種管道幫忙尋找新雇主。范玄英強調,她們都會安排雇主與外勞見面會談,雙方點頭才讓其前往工作。「從中心介紹出去的外勞,逃跑率都很低。」或許是這幾年累積的「口碑」不錯,部份雇主甚至會直接來中心洽詢。

來自四方  宿舍宛如小聯合國

由於中心收容的外勞不限國籍,各國文化、語言、信仰、飲食習慣不同,難免產生衝突;而如何讓各國外勞能和睦相處,輔導員們傷透腦筋。「有時連午餐的口味不合都會產生口角。」范玄英就像這群外勞的保姆,必須個別傾聽他們的聲音。「甚至怕他們說我偏袒越南人,還得特別照顧其他國家的外勞。」她笑著說。

留居在此的外勞都是無罪之身,因此僅要求他們在規定的時間起床,以及做些如準備三餐等簡單工作,其餘時間皆可自由進出中心;唯有部份曾受到傷害性對待的外勞,為保護其人身安全,才會要求儘量不要外出。但也怕這些外勞在中心裡「悶」太久,每逢星期六會安排烤肉、出遊、才藝表演等活動調劑身心,彼此聯誼。范玄英笑說,一般人對外勞的刻板印象是只能做粗活,其實許多人在音樂、美術、文學等方面都頗具天份,「甚至有外勞把親身經歷化為戲劇演出,台下觀眾看完後眼眶都是紅的。」

落戶寶島  奉獻心力終不悔

本身在越南擁有高學歷的范玄英,於故鄉的石油公司工作時,結識台籍丈夫而嫁來寶島。由於中文能力不錯,她早年曾任職於外勞仲介公司,後因不認同公司作法而離職,轉而來到海星國際服務中心。如同在這塊土地上的傳教士一般,她也奉獻無數時間與精力在弱勢族群上。「每一位外勞都有可愛的地方,能夠在他們最無助的時候幫助他們,是我喜歡這份工作的原因。」

實地走訪中心內部發現,建物本身老舊,多處牆壁產生龜裂,活動空間也略顯不足,但這處簡陋的庇護所,卻在近十年來收留了17百位無家可歸的徬徨外勞,二樓活動空間的牆壁,寫滿過客們的感謝與不捨之情。或許不是富麗堂皇,然而對許多外勞而言,海星是他們一輩子難忘的異鄉避風港。


Stella Maris International Service Center
財團法人天主教社會慈善福利基金會
附設天主教海星國際服務中心

Tel07-5331840 / 07-5213976
Fax
07-5322209
Add
:高雄市803鹽埕區瀨南街37 
No.37, Lainan St., Yancheng Dist., Kaohsiung City 803

2011年4月20日 星期三

Mikey Arroyo Kinasuhan Sa Tax Evasion 前總統之子涉嫌逃漏稅


Nanindigan ang Malacañang sa P73.85 milyong tax evasion case na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa anak ng dating Pangulong Gloria M, Arroyo at ngayon ay Ang Galing Pinoy partylist Rep. Juan Miguel ‘Mikey’ Arroyo at sa asawa nitong si Angela.

Ayon naman kina presidential spokesman Edwin Lacierda at Communications Secretary Ricky Carandang, pinatutupad lang namin ang tamang batas at hindi namin pinag-iinitan ang mga Arroyo, ang isinampa naming kasong tax evasion ay nagdaan sa masusing imbestigasyon ng Bureau of Internal Revenue.

Nagkataon lang raw na isa ang tax evasion case ng mag-asawang Arroyo sa nakikita ng BIR at nagkataon din raw na anak ng dating Pangulo ang sangkot dito.

Diumano nagkasunod ang kasong tax evasion na isinampa ng BIR laban kay Arroyo at sa isa pang kasong isinampa ng Finance department kay Local Water Ulities Administration (LWUA) chairman Prospero Pichay Jr.

Siniguro naman ng Malacañang na bibigyan ng due process si Mikey Arroyo at ang misis nito kahit na sila ay galing sa political opposition.

Mariing sinabi naman ng BIR na walang halong pamumulitika ang isinampang kaso laban sa mag-asawa.
Sinabi naman ni BIR Commissioner Kim Henares, na wala sinuman sa kanila ang nag-file ng income tax returns buhat noong taong 2005, 2008 at 2009 habang si Angela ay hindi nagsumite ng ITR buhat noong taong 2003 hanggang 2009.

Ayon pa rin kay Kim Henares, walang halong pulitika ang ginagawa ng kanilang opisina laban sa isinampang kaso sa mag-asawang Arroyo kundi isang tungkulin na dapat gawin.

Dugtong pa niya, nasa pang-37 ang mag-asawang Arroyo sa listahan ng mga kinasuhan sa ilalim ng Run After Tax Evaders (RATE) program ng BIR. 

2011年4月7日 星期四

Paalam 'RP’ ; Hello 'PHL' o 'PH' 菲律賓國名縮寫舊換新

Magsanay na sa pagbigkas o pagsulat ng “PH o “PHL" para sa pinaigsing Philippines sa halip na ang nakasanayang “RP," na patungkol sa "Republika ng Pilipinas."

Ayon sa DFA, hindi naaayon sa itinakdang codes ng International Organization for Standardization (ISO) ang paggamit ng bansa sa "RP."

Sa patakaran na itinakda ng ISO, ang inisyal ng Pilipinas – na batay sa dalawang letra (alpha-2) at tatlong letra (alpha-3) ng mga bansang kasapi nito – ang code na dapat gamitin ng bansa ay PH at PHL.

Para masunod ang itinakda sa ISO, nagpalabas ng department order si Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo noong Oktubre 20, na nag-aatas sa 67 embahada, 23 konsulado at at apat na permanent mission, na gamitin na ang PH o PHL bilang inisyal ng Pilipinas sa kanilang komunikasyon.

Nagpasya na rin ang GMA News na sundin ang desisyon ng DFA na gamitin sa kanilang mga balita ang PHL sa halip na ang nakagawiang RP.
At dahil dito kailangan na rin na makasanayan na ng lahat o kahit na anong mga departamento ang pagbigkas o pagsulat ng PH O PHL.

Ang ISO ay isang international-standard-setting body na binubuo ng mga kinatawan ng national standards organizations ng iba't ibang bansa.

Mapapansin na ang ISO codes ay ginagamit din sa airline ticketing, pag-isyu ng passport, halaga ng pananalapi, internationally-traded shares sa stock market at iba pa.